top of page
Search

Kahit ‘di sila nagkatuluyan…JOLINA, PAMILYA PA RIN ANG TURING KAY MARVIN

BULGAR

ni Beth Gelena @Bulgary | Feb. 12, 2025



Photo: Jolina at Marvin sa Ex Ex Lovers premier night - Instagram


May post si Jolina Magdangal sa kanyang Instagram (IG) Stories tungkol sa friendship nila ni Marvin Agustin. 


Isang video na kuha nu’ng nagsu-shoot sila ng reunion movie ang ipinost ng aktres na may kalakip na long touching message para sa dating ka-love team. 


Aniya, “Dear Labtim, ilang araw na rin na marami ang nararamdaman ko sa work, halu-halo. Kaninang madaling-araw nu’ng nag-drop na sa Spotify ‘yung theme song ng movie natin, at naisip ko na mamaya na ‘yung premiere night ng movie, napahagulgol na lang ako kasi umapaw na ‘yung nararamdaman ko at ang pinakamalinaw sa lahat. I am so grateful for everything na nangyari sa ‘tin. Thank you, Labtim.”


Dagdag pa ng Kapamilya actress, “Itong Ex Ex Lovers a.k.a ‘dream project’ natin ay habambuhay kong ipagmamalaki dahil dito tayo mas nabuo bilang totoong magkaibigan. Thank you sa trust mo sa ‘kin tuwing nagkukuwento ka ng mga bagay na hindi mo naikukuwento sa iba. Nandito lang ako para sa ‘yo, kahit makikinig lang.”


Sa huli, in-assure ni Jolens na mahal niya at ng kanyang pamilya ang actor-chef.

Aniya, “Mahal ka ni Mark, Pele, at Vika dahil ramdam nila mula sa ‘kin na mabuti ka talagang tao. Asahan mo rin na pamilya mo kami. Alam mo, Labtim, hindi man natin lagi makita, naniniwala ako na meron din tayong invisible red string that binds us together. Our connection will always be unbreakable. Ang dami nating blessings at nangunguna na diyan ay ang ating friendship.”


Na-touch ang MarJo (Marvin Agustin at Jolina Magdangal) fans sa mahabang mensahe ng singer-TV host.


 

MAY bagong car na binili si Khalil Ramos na kung tawagin niya ay ‘endgame car’.


Ayon sa singer-actor, dagdag umano sa kanyang mga expenses ngayong taon ang pagbili niya ng kanyang dream car. Pero, isang investment umano ang white Land Cruiser Prado 250 na isang ‘endgame car’. 


Deklara niya, “It is one of my dream cars and parang ‘di na yata ako gagastos ng buong taon. Nabili ko na early on this year ang gusto kong bilhin.”


Esplika niya sa kanyang Land Cruiser dream car, “Growing up, it was always the endgame car kasi ‘yun ‘yung reputation ng car, eh. You get that car, it’s done na, eh. You don’t buy cars ever again. 


“So, I’ve always loved a Land Cruiser. Ito bagong labas lang kasi so nu’ng lumabas s’ya, sabi ko, ‘yan na ‘yun, this is it. Mag-iipon ako. So, I sold two of my cars to get my endgame car.” 


 

ISINIWALAT ni Ashley Ortega ang estado ng relasyon nila ni Mavy Legaspi.


Sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), tinuldukan na ng Kapuso actress ang mga rumors sa kanila ni Mavy.


Natanong siya ni Kuya Boy Abunda sa real score nila ng anak nina Carmina Villarroel at Zoren Legazpi.


Walang pag-aalinlangang sinabi ni Ashley, “I think it’s obvious naman na.” 


Matatandaang nakitang magkasana ang Sparkle artists sa Cebu nang um-attend sila ng Sinulog Festival last January.


Maraming nakakakita na very obvious ang pagiging sweet nila sa isa’t isa kahit nasa public place ang dalawa.


Matagal nang magkakilala ang dalawa pero nag-hang-out lang daw sila last year nang nag-break na sina Mavy at Kyline Alcantara.


Paliwanag ng aktres, “Mga bata pa kami noon, eh (una silang nagkakilala). I think when he started signing a contract sa Sparkle. But we started hanging out more last year. Tapos doon ko talaga s’ya nakilala.”


Kuwento pa ni Ashley, “I think it started na parang there was one night kasama ‘yung mga friends namin, so du’n ko s’ya nakilala. And then he asked me out if we can have lunch or dinner together just to get to know each other, then nagtuluy-tuloy na.”

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page