ni Ambet Nabus @Let's See | June 1, 2024
BLIND ITEM:
Uy, gaano kaya katotoo na halos kalahating milyong piso diumano ang ibinayad ng isang award-winning personality sa isang grupo ng namahala ng isang award-giving body-event?
Ayon sa aming ka-Marites, dahil nga raw sa pang-eengganyo ng ilang members ng grupo na kakilala nitong award-winning personality ay nakumbinse itong mag-sponsor kapalit ng awards.
Yes, take note, awards, ha?
Kasi pala ay tila nai-lobby din ng ilang members ng grupo na isabay na ang pagpaparangal sa kasamang bida ng personalidad na hindi na nga raw pagdududahan dahil multi-awarded nga rin ito. Kumbaga, two-in-one ang atake kaya’t push na.
So, nangyari nga ang gusto ng ilang members ng grupo pero nawindang diumano si award-winning personality dahil last minute raw ay hindi nagpakita ang multi-awarded co-star niya.
Ang tsismis kasi, humihingi ng “something” si multi-awarded co-star para ganahan daw itong mag-ayos, magpa-parlor, magbihis at pumunta sa venue kahit may napapabalitang may karamdaman ito.
And yes again, ang diumano’y ‘something’ na hinihingi ni multi-awarded co-star ay halos hindi nalalayo sa talent fee niya sa movie.
Kaya ang ending, mag-isang tinanggap ni award-winning personality ang award eliciting questions tuloy from the showbiz insiders.
Kawawa naman kahit mukhang deserving naman siya talaga.
'Kalokahhhh!!!
Comments