top of page
Search
  • BULGAR

Kahit break na… KYLIE, ‘DI MASABING “FAILED RELATIONSHIP” ANG SA KANILA NI JAKE

ni Mercy Lejarde - @Showbiz Talkies | April 25, 2022



Finally, naka-attend din si yours truly ng face-to-face preskon na more than 2 years naming na-miss due to pandemic-ek.


Nito lang nakaraang Biyernes ay ginanap ang face-to-face grand media conference ng Vivamax film na Ikaw Lang ang Mahal na dinaluhan ng mga lead stars nito like Zanjoe Marudo, Kylie Versoza at Cara Gonzales, plus ang director nila na si Richard Somes.


Ginawa ang nasabing face-to-face grand mediacon sa Le Reeve Events Place na na-miss din namin ‘coz nu’ng wala pang pandemya ay madalas din ditong ginagawa ang mga face-to-face preskon, sa true lang.


Sa Q&A portion ng said preskon ay unang tinanong ni yours truly si Zanjoe that goes… “Ah, Zanjoe, if ever… if ever lang, ha, between Kylie at Cara, sino ang sasabihan mo ng ‘Ikaw lang ang mahal’? If ever lang, ha, na wala ka pang minamahal na iba sa ngayon.”


“Ahhhh…. si Cara kasi, masyado pang bata para sa akin,” ang sey ni Zanjoe sabay tingin kay Cara na natatawa.


“Age doesn’t matter, ‘di ba? Si Cara ba o si Kylie?” hirit na tanong namin.


“Puwede ba silang dalawa kasi in character pa rin ako sa serye ko, eh, na babaero, hahaha!


“Ahmmm, ‘yun nga, tita, medyo bata sa akin si Cara kaya kay Kylie ko na lang sasabihin. Ihahanap ko na lang si Cara ng ka-age niya. Marami akong kaibigan na kasing-age mo,” baling ni Zanjoe kay Cara.


“Sige, Kuya Zan, salamat,” ngiting-ngiting sey lang ni Cara.


“Oh, si Kylie naman. Halimbawa, si Zanjoe na nga ang nagsabi sa iyo na ‘Ikaw lang ang

mahal’ lalo na nga’t you’re in a failed relationship now, tatanggapin mo ba si Zanjoe? Or, meron na bang nagsabi sa iyo after your failed relationship to someone?” tanong ni yours truly kay Kylie.


“Hindi ko po naintindihan ‘yung tanong…” sey ni Kylie kaya nagkatawanan sa loob ng Le Reeve.


“Hindi ko po talaga naintindihan ‘yung tanong…” palambing at pag-iwas niyang sagot.

O, sige… ulitin, “After your failed relationship with an actor…”


“Hindi ko po siya talaga matatawag na failed relationship?” sagot na lang nito.


“Ah, hindi? Hindi ba nag-break na kayo ni Jake Cuenca? Ano, kayo pa rin?”


Biglang may lumapit kay yours truly at huwag na raw tanungin ‘yun.


O, sige na nga! Huwag na lang!


(Pero umamin naman na si Jake Cuenca na break na sila ni Kylie, Tamers. — JDN)


Another question na lang, naniniwala ba kayo na mahal ang magmahal? Kasi magastos, ‘di ba?


“Importante po ang magmahal. Hindi ko siya kino-consider na gastos. Kasi mahal mo ‘yung tao, eh,” katwiran ni Kylie.


“‘Pag in love ka naman, ‘di mo na mapapansin ‘yung mga nagagastos mo, eh. Mahirap ang maging mahirap, pero mahal ding magmahal,” natatawang sagot naman ni Zanjoe.


Si Cara naman, same ng sagot ni Kylie, “Hindi mo talaga mapapansin sa gastos. Lahat, ibibigay mo kahit walang kapalit.”


Ay, may point sila, ha? ‘Pag in love ka talaga, magagamit mo ‘yung title ng isang old movie na ALL MINE TO GIVE. Kaya siguro nauso rin ‘yung so-called “sugar mommy” or “sugar daddy”.


Boom, ‘yun na! Insert smiley, 😊!



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page