ni Lolet Abania | October 3, 2021
Dinagsa ng mga init-init na mga indibidwal habang sarap na sarap ang mga ito na nagtatalunan sa tubig ng Manila Bay ngayong Linggo.
Hindi alintana ng mga ito, bata man o matanda na mag-swimming habang ang iba naman ay nagpapahinga sa breakwater ng Manila Bay sa kahabaan ng Macapagal Boulevard malapit sa Senate sa Pasay City sa kabila na nasa ilalim pa rin ng Alert Level 4 ang National Capital Region (NCR).
Una nang pinayagan ng Inter-Agency Task Force on COVID-19 ang mga indibidwal na isagawa ang outdoor exercises para sa lahat ng edad, may comorbidities at anuman ang vaccination status, subalit kailangan pa rin ang pagsunod sa minimum public health standards at pagsusuot ng face masks, gayundin ang pagkakaroon ng physical distancing.
Samantala, mahigit sa 100 katao ang natiketan ng pulisya matapos na mahuling nagsu-swimming sa Manila Bay, sa may Diokno Boulevard sa Pasay City. Sa ulat, naisyuhan ng tiket ang mga ito dahil sa paglabag sa COVID-19 health protocols.
Comments