top of page
Search
BULGAR

Kahit Alert Level 2 na... 4 LGUs sa NCR, tuloy ang restriksyon sa mga ‘di bakunado – MMDA

ni Lolet Abania | February 1, 2022



Walang tinatawag na automatic lifting ng mga restriksyon, sa apat na local government units (LGUs) sa National Capital Region (NCR), hinggil sa mga hindi bakunadong indibidwal kahit pa ang Metro Manila ay ibinaba na sa Alert Level 2, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).


Sa isang press conference ngayong Martes, sinabi ni MMDA Chairperson Benhur Abalos na ang mga ordinances ng Parañaque, Pasay, Quezon City, at Pateros ay walang automatic lifting clause para sa kanilang restriksyon laban sa mga unvaccinated individuals.


“Four LGUs don’t have automatic lifting clause but three LGUs will be issuing a new executive order. These are Parañaque, Pasay, and Quezon City,” sabi ni Abalos.


“Only Pateros will be left as they will still discuss the issue tomorrow,” dagdag ng opisyal.

Una nang napagkasunduan ng Metro Manila Council (MMC), na binubuo ng 17 mayors sa rehiyon, na higpitan ang galaw ng mga unvaccinated individuals sa NCR sa ilalim ng Alert Level 3. Ang mga naturang LGUs ay nag-isyu rin ng kani-kanilang mga ordinansa hinggil dito.


Sa bagong executive order, pinanatili ng Pasay City government na ang mga hindi bakunadong indibidwal ay papayagan lamang lumabas para sa essential purposes kahit pa nasa ilalim na ng Alert Level 2.


Para kay Abalos, ang lokal na pamahalaan ng Pasay City ay may awtoridad na panatilihin ang restriksyon laban sa mga unvaccinated individuals.


Nauna nang isinailalim ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang NCR at pito pang lalawigan na ibalik ito sa Alert Level 2 mula Pebrero 1 hanggang 15.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page