top of page
Search

Kahit abroad pa magpagamot… KRIS, SUPER-LIIT NG CHANCE NA MAKALIGTAS SA SAKIT

BULGAR

ni Nitz Miralles - @Bida | June 5, 2022



Matutuwa si Kris Aquino sa mababasa niyang comments sa ipinost niya sa Instagram updating her medical condition dahil lahat ay nagwi-wish ng kanyang paggaling. Lahat ay nagdarasal at nagpapahayag na mahal nila si Kris at maghihintay sa kanyang pagbabalik mula sa Amerika na magaling na.


Matutuwa rin si Kris na mabasa ang mga comments na kahit hindi sila fan ni Kris at hindi nila ito gusto, ipinagdarasal nilang gumaling ito para sa dalawa niyang anak. Kailangan daw nina Josh at Bimby ng ina at mas maganda kung sa paglaki pa ng mga anak ay kasama pa rin siya.


Matatagalan ang pagpapagamot ni Kris, nabanggit nitong “next few years” at may mga naiyak sa nabanggit niyang “Praying na kayanin ng katawan ko itong matinding pagsubok.”

Kaya ang ipagdasal natin ay makaya ni Kris ang pagdaraanang treatment at mga gamot na kanyang ite-take.


Sabi kasi ng doctor ni Kris, aabutin ng 18-24 months bago malaman kung magwo-work ang treatment sa kanya. May mga naiyak sa nabasang binanggit ng doctor na ang survival rate ng may sakit na EGPA ay 25 percent.


“With proper treatment 5-year survival rate is at 62 percent. Only 1 in every 1 million people get this form of vasculitis per year. That is how rare and hard to treat Ms. Aquino’s case is.”

0 comments

Kommentare


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page