top of page

Kahit 8 yrs. na sila… MYLENE, 'DI NANINIWALA SA KASAL, ATRAS KAY JASON WEBB

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 15, 2022
  • 4 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | December 15, 2022




For the fourth time, may pelikulang muli si Mylene Dizon na kasama sa Metro Manila Film Festival, ang Family Matters ng CineKo Productions sa direksiyon ni Nuel Naval at script ni Mel del Rosario.


Nakipagtagisan ng husay sa pag-arte si Mylene kina Noel Trinidad, Liza Lorena, Agot Isidro, JC Santos, Ira Pangilinan at Nonie Buencamino sa Family Matters.


Ani Mylene, walang small role ang mga artistang kasali sa Family Matters, maging ang mga anak niya sa movie na may important role sa family dynamic.


On her chance na manalo ng award sa MMFF Awards Night on December 27, hindi raw alam ni Mylene kung mag-i-stand alone ang performance niya sa movie sa mata ng mga hurado.


Tinanong namin si Mylene kung ano ang isang bagay na takot at ayaw nilang pag-usapan sa pamilya niya.


"Money," sambit ng aktres. "Sa mga anak ko, ha, sa boys. I don't like discussing pera because lagi na lang, hindi maganda 'yung kinahahantungan. Basta ako ang provider, 'yun lang ang importante sa kanila. Kung saan man nanggagaling, kung paano, ikinukuwento ko naman sa kanila. Pero hindi ko sila ini-involve in such a manner na mabe-burden sila. Basta ang lagi kong sinasabi sa kanila, I will provide for you as best as I could."


Dalawang lalaki ang anak ni Mylene from her previous boyfriend na si Paolo Paraiso, ang panganay na si Thomas at si Lucas Miguel. May kani-kanya nang partner sina Paolo at Mylene.


Ang basketbolistang si Jason Webb ang boyfriend ni Mylene for more than eight years now, habang si Paolo naman ay kapo-post lang sa social media ng kanilang engagement ng girlfriend na si Jessica Sto. Domingo.


"Hindi naman kami nagkakasama-sama, sa ngayon. Pero minsan, nagpupunta siya (Paolo) sa bahay kasama si Jessica, 'yung fiancée, para sunduin 'yung mga bata. It's not a date. Parang, 'Hi!', 'Hello,' ganoon lang. Nothing yet that we sat down, you know, as a foursome," lahad ni Mylene sa plano raw ni Paolo na mag-double date silang apat.


Nalaman daw ni Mylene na engaged na sina Paolo at Jessica nu'ng makita niya ang post ng fiancée ng ex-partner niya.


"Habang nagpapa-makeup ako, nakita ko. 'Ohh!' Nagulat naman ako. Good naman. Good naman for him. I congratulated him. Uh, Jessica is an amazing woman, ang bait-bait nu'n. Ang bait-bait nu'n sa mga anak ko," bulalas ni Mylene.


Walang kagatul-gatol na sinabi ni Mylene na willing sila ni Jason na um-attend sa wedding nina Paolo at Jessica kapag inimbitahan sila.


"Of course! 'Yun naman 'yung tatay ng mga anak ko. Kahit paano, may pinagsamahan pa rin naman kami ni Paolo. And, alam mo si Pao, we've remained friends. Minsan, nagte-text-an kami niyan, eh."


Wala naman daw isyu kay Jessica ang pagpapalitan pa rin ng text messages nina Mylene at Paolo. Sadyang magkaibigan na lang daw sila.


Tanong namin kay Mylene, kailan naman siya magpapakasal?


"Huh?" sabay taas kilay nito kasunod ang malakas na tawa.


Noon pa man ay 'di naniniwala sa kasal si Mylene. Ganoon pa rin daw ang stand niya tungkol sa kasal hanggang ngayon.


"Bakit? Hindi ko alam. I guess it's not just for me. May mga tao na gusto ang paksiw na lechon. May ibang taong gusto, pinatisan lang," ngisi niya.


Sa darating na Pasko, magkakasama sina Mylene at Jason plus mga anak nila ni Paolo.


"I'm with Jason Webb and his family, kami ng mga bata, eh, doon kami magpa-Pasko. Si Paolo with our kids, I think, after Christmas, susunduin niya ang mga bata."

Maayos daw ang co-parenting nina Paolo at Mylene sa kanilang mga anak with their respective partners.


"Honesty. Honesty is the one that pave a big role at saka, you know, kasi kapag kinimkim mo 'yung problema, or sinikreto mo ang problema, or just because you don't want to attend, eventually lalabas din 'yan, eh.


"And it will comeback na hindi maganda 'yung pagkakasabi mo. So 'yun.


"Naging honest ako kay Paolo sa wants and needs namin at 'yung mga bata and 'yun. Madali namang ma-resolve kung napag-uusapan. Kung hindi napag-uusapan, doon tayo may problema."


Inamin ni Mylene na nakikita niya ang sarili sa co-actress niya sa Family Matters na si Liza Lorena na hindi nagpakasal at itinuturing ang showbiz career niya na kanyang asawa.


"Ang sayang kasama niyan, grabe! Ang sayang kasama niyan. She would drink pa with us until wee hours. Tapos, always laughing.


"Asawa? Hindi, hindi! Wala akong nakikitang husband. Partner, oo. But husband, wala. I'm very independent talaga. I'm such, uh… just me. I'd rather have it that way, maybe because of decision making.


"Nasanay na kasi ako that all the decisions, they just came from me, not from anybody else. And if anybody to blame for my mistakes or on what I've done, or the decision that I made, I can only blame myself.


"Saka, ayoko ring umayon sa desisyon ng ibang tao kasi baka hindi ko rin magustuhan, manisi pa ako. So, mabuti na ako na lang ang may kasalanan."


But what if i-surprise siya ni Jason at nag-propose bigla sa kanya?


"He knows me. He loves me. He understands me. He knows my reasons so I don't think it will come to that.


"'Surprise?!' Surprise ka rin! Gusto mo bang ma-surprise? Hehehe!


"Hindi, alam niya 'yun. Hindi niya 'yun gagawin. He will never put me in an uncomfortable spot.


That is unfair. 'Yung mga ganu'ng klaseng surprise, unfair 'yun, eh. It requires two people to make a decision, not a surprise," esplika ni Mylene.


Pero kapag nagbago raw ang desisyon ni Mylene, hindi na rin siya kailangang sorpresahin ni Jason, kasal kung kasal, ganern!


Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page