ni Mercy Lejarde - @Showbiz Talkies | July 26, 2021
Sa virtual mediacon ng GMA-7’s newest teleseryeng Nagbabagang Luha ay co-stars nina Rayver Cruz, Glaiza de Castro, Mike Tan, Myrtle Sarrosa at Claire Castro ang dalawang veteran stars na pareho na ring nagdidirek ngayon na sina Gina Alajar at Ricky Davao.
Ang role rito nina Gina at Ricky ay tipong overprotective parents lalo na when it comes to love matters.
Natanong ni yours truly sina Gina at Ricky kung in real life ba ay naging overprotective sila sa kanilang mga anak nang ang mga ito ay natututo nang magmahal at umibig?
“Ay, ako… I would say na overprotective ako sa mga anak kong lalaki lalo na when they were growing up. Kasi ang fear ko nu’n, kasi mga lalaki, parang laging takaw-away, especially nu’ng teen-agers na sila at they were starting to go out na at natututo nang uminom sa mga bars, may mga barkada na, lumalabas lagi. So, parang feeling ko, laging malapit sila sa away.
“There were times na hindi ko sila pinapayagan. There were times na nagpapaalam pa sila pero sabi ko ‘No, no, no. Huwag na kayong umalis, kinakabahan ako na something might happen.’ ‘Yung mga ganyan. But you know at that time, I was living in fear para sa kanila… It wasn’t healthy also. Hindi maganda.
“So, dumating sa punto na may nag-advise sa akin na ‘No, kailangan mo rin naman silang payagan. Kailangan mo ring payagan na mag-explore ng sarili nilang mundo. So, what you’re gonna do, you just pray na sana, walang mangyari sa kanila and God will protect them wherever they are, wherever they go na mapo-protect sila sa gulo sa lahat ng pagkakataon.’
“You know, I live with that advice and so far, so good naman. Hindi ko nababalitaan na na-involve sa away ang mga anak ko or meron silang ginulpi o sila ang nagulpi. Mabait ang Panginoon, inalagaan naman sila,” ang mahabang pahayag ni Direk Gina tungkol sa mga anak niyang sina Geoff, Ryan and AJ Eigenmann sa kanyang ex-husband na si Michael de Mesa.
Ang sagot naman ni Direk Ricky, “Ako, mahigpit ako na magulang, eh. Overprotective rin ako sa mga anak ko.
“Minsan nga, iniisip ko na baka dapat nga, nu’ng mas bata-bata sila, pinayagan ko silang lumabas, eh. Pero ang hirap kasi, alam naman natin ngayon na ang buhay ay mahirap, kaya ako masyadong protective sa kanila.
“When it comes to love naman, ina-advise ko lang sila, pinababayaan ko. Siyempre, ‘pag nahe-hurt sila, nahe-hurt din ako.
“But you know, hindi natin mako-control lahat ‘yan, eh. Tama ‘yung sinabi ni Gina na ‘pag sobrang higpit ka sa mga anak, masasakal sila. ‘Pag sobrang luwag naman, wala, medyo delikado. Kaya ‘yung tama lang. Iniintindi ko rin sila, ‘yung feelings nila, kasi siyempre, ibang generation na sila, iniintindi ko kung what makes them happy.”
Very well said, Direk Gina and Direk Ricky.
Minsan talaga, need ng mga parents na maging protective sa kanilang mga dyunakis habang lumalaki at nagiging mga teen-agers na at tipong may mga barkada o katropa na.
‘Yun nga lang, dapat, huwag namang overprotective para hindi magrebelde ang mga dyunakis, ‘ika nga.
Kaya ikaw, Ateng Janiz, huwag maging overprotective sa only son mong si JDEN, ha?
‘Yun na!
O, siya, huwag kaligtaang subaybayan ang teleseryeng Nagbabagang Luha na malapit nang mapanood sa Kapuso Network na kundi nagkakamali si yours truly ay tipong pinatulan dito ni Rayver ang sister ng dyowa niyang si Glaiza played by Claire.
Tatanungin sana ni yours truly ang tatlo kung in real life ba ay naging two-timer lovers sila at natuksong pumatol sa kapatid ng dyowa nila or maski na kadugo ng dyowa nila, kaso sa tagal ng virtual preskon na tipong umabot ata ng more than 3 hours ay bigla tuloy naging weak ang aming internet connection.
Wait ko na lang kapag hindi na pandemic at ask ko na lang sila ‘pag pinayagan na ang press set visit, okidoki?
‘Yun lang and I thank you.
Comentarios