ni Lolet Abania | June 9, 2021
Sinimulan ng mga awtoridad ang mahigpit na pagpapatupad ng liquor ban sa Boracay at natitirang bahagi ng Aklan ngayong Miyerkules.
Ito ay matapos na mag-isyu si Aklan Governor Florencio Miraflores ng executive order hinggil sa health protocols na kinakailangang sundin sa gitna ng pagtaas ng bilang ng COVID-19 cases sa lalawigan.
Gayundin, masusi nilang mino-monitor at tsine-check kung ang dumarating na mga turista ay may kumpletong requirements bago pumasok sa kanilang lugar. Kamakailan, pitong turista ang inaresto matapos magpakita ng mga pekeng negative RT-PCR test results.
Ayon kay Miraflores, kailangan ng negative RT-PCR test result bago payagang makapasok sa Boracay ang isang turista kahit pa ito ay fully vaccinated na kontra-COVID-19.
Base sa tally ng Malay Tourism Office, mula June 1 hanggang June 6, ang bilang ng mga turistang dumating sa Boracay ay 2,905.
Sa bilang na ito, 1,760 turista ay mula sa National Capital Region, 550 galing sa Calabarzon, at 230 mula sa Central Luzon. Ang kanilang SWAT teams ang umiikot sa buong isla ng Boracay upang tiyakin ang seguridad ng mga turista at residente.
ความคิดเห็น