top of page
Search
BULGAR

Kahit 1 pulgada ng teritoryo.. ‘Pinas, hindi maaagaw — Marcos

ni Mylene Alfonso | February 19, 2023




Tiniyak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na hindi mawawalan kahit isang pulgada ng teritoryo ang Pilipinas.


Ito ang binigyang-diin ni Pangulong Marcos na patuloy na poprotektahan ng kanyang administrasyon ang buong teritoryo ng Pilipinas sa kabila ng mga geopolitical tensions na nagaganap ngayon sa West Philippine Sea.


“This country will not lose one inch of its territory. We will continue to uphold our territorial integrity and sovereignty in accordance with our Constitution and with international law. We will work with our neighbors to secure the safety and security of our peoples,” diin ni Marcos sa kanyang talumpati sa kauna-unahang pagkakataon bilang commander-in-chief ng Armed Forces of the Philippines (AFP) makaraang pangunahan ang alumni homecoming sa Philippine Military Academy sa Fort del Pilar, Baguio City kahapon.



Sinigurado ng Chief Executive na patuloy na itataguyod ng pamahalaan ang territorial integrity at soberanya ng Pilipinas alinsunod sa Konstitusyon at international laws.


Kaugnay nito, sinabi rin ni Marcos na makikipagtulungan ang Pilipinas sa mga karatig bansa nito upang matiyak naman ang kaligtasan at seguridad ng ating mga kababayan.


Samantala, bukod dito ay nagpaabot ng pagbati si Marcos sa lahat ng mga awardees ng PMA dahil sa huwarang pagganap ng mga ito sa kanikanilang mga tungkulin ngayong taon.


Bagay na dapat aniyang tularan ng kabataang kadete na hihimok sa kanila na maging leaders of character na mananatiling tapat sa kanilang mga mithiin at may pagpapahalaga sa kanilang mga integridad, serbisyo, professionalism na matatamo ng mga ito mula sa PMA.


Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page