@Buti na lang may SSS | May 19, 2024
Kinikilala ng ating Kongreso ang kabayanihan ng ating mga sundalo na siyang nangangalaga sa lipunan upang itaguyod ang kapayapaan.
Alam nating lahat ang hirap at pasakit na nararanasan nila habang sila ay naroroon sa kanilang destino upang mangalaga at mapanatili ang kapayapaan ng ating mahal na bayan. Kaya naman ang ating Kongreso ay naglaan ng pension benefits sa ating mga beteranong sundalo at sa kanilang mga dependents na nagkasakit o nasugatan habang sila ay nasa “line of duty”.
Nakapaloob ang benepisyong ito sa Republic Act No. 6948, na inamyendahan ng R.A. No. 11958 upang pataasin ang halaga nito. Ang pamagat ng batas na ito ay “An Act Rationalizing the Disability Pension of Veterans, amending for the Purpose Republic Act No. 6948, Entitled “An Act Standardizing and Upgrading the Benefits for Military Benefits for Military Veterans and their Dependents as Amended”.
Nakapaloob sa Section 1 ng nabanggit na batas ang pag-amyenda sa Section 5 ng R.A. No. 6948 katulad ng mga sumusunod:
“Section 5. Pension Rates. -- A veteran who is disabled owing to sickness, disease, wounds or injuries sustained in line of duty shall be given a monthly disability pension in accordance with the rates prescribed hereunder:
(a) If and while the disability is rated anywhere from ten to thirty per centum (10% - 30%), the monthly pension shall be Four thousand five hundred pesos (P4,500.00);
(b) If and while the disability is rated anywhere from thirty-one to forty per centum (31% - 40%), the monthly pension shall be Five thousand three hundred pesos (P5,300);
(c) If and while the disability is rated anywhere from forty-one to fifty per centum (41% - 50%), the monthly pension shall be Six thousand one hundred pesos (P6,100.00);
(d) If and while the disability is rated anywhere from fifty-one to sixty per centum (51% - 60%), the monthly pension shall be Six thousand nine hundred pesos (P6,900.00);
(e) If and while the disability is rated anywhere from sixty-one to seventy per centum (61% - 70%), the monthly pension shall be Seven thousand seven hundred pesos (P7,700);
(f) If and while the disability is rated anywhere from seventy-one to eighty per centum (71% - 80%), the monthly pension shall be Eight thousand five hundred pesos (P8,500.00);
(g) If and while the disability is rated anywhere from eighty-one to ninety per centum (81% - 90%), the monthly pension shall be Nine thousand three hundred pesos (P9,300.00);
(h) if and while the disability is rated anywhere from ninety-one to one hundred per centum (91% - 100%), the monthly pension shall be Ten thousand pesos (P10,000.00); plus One thousand pesos (P1,000.00) for the spouse and each unmarried minor children: Provided, That a veteran, upon reaching the age of seventy (70) and not receiving disability pension under this Act, is deemed disabled and shall be entitled to a monthly pension of One thousand seven hundred pesos (P1,700.00) only: Provided, further, That the entitlement to the disability pension authorized herein shall be prospective and limited to eligible living veterans only.”
Kapag ang isang beterano na umabot sa edad na 70 at hindi tumatanggap ng “disability pension” sa ilalim ng batas na ito, siya ay ituturing na may kapansanan at dapat ay may karapatan sa isang buwanang pensyon na P1,700.00.
Ang karapatan sa “disability pension” na pinahintulutan ng batas na ito ay magiging prospective at limitado sa mga karapat-dapat na buhay na beterano lamang.
Ang paunang halaga na kailangan para sa pagpapatupad ng batas na ito ay magmumula muna sa Pension at Gratuity Fund. Pagkatapos noon, ang mga halagang maaaring kailanganin para sa patuloy na pagpapatupad ng batas na ito ay isasama sa taunang General Appropriations Act.
Upang makapagrehistro sa My.SSS, maaari kang magtungo sa SSS website (www.sss.gov.ph) at magparehistro sa Member portal. Kailangang punan mo ang lahat ng kinakailangang impormasyon. Tandaan na ang irerehistrong e-mail address ay kailangang aktibo at nagagamit pa dahil dito ipadadala ng SSS ang link para i-activate at magamit mo ang iyong My.SSS account.
Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at i-follow ang opisyal na Facebook page ng SSS sa “Philippine Social Security System - SSS” o sa X, ang dating Twitter, sa @PHLSSS. Maaari ring mag-subscribe sa YouTube channel sa “MYSSSPH”, at sumali sa SSS Viber Community, “MYSSSPH Updates”. Maaari kayong magpadala ng inyong concerns at katanungan sa usssaptayo@sss.gov.ph.
Comments