ni Sr. Socrates Magnus II - @Karunungang Lihim| September 9, 2020
Bigyang-daan natin ang pagpapatuloy sa pagtalakay ng mga bagay na kailangang gawin ng tao, may COVID-19 pandemic man o wala.
Sa karanasan ng mga tao o buong mundo sa Black Death kung saan napakaraming namatay, hindi lang mga tao ang nasawi dahil nalipol din ang mga domestic animals.
Ang mga baka o cow ay naubos, kaya ang lupang sakahan na gumagamit ng baka sa pag-aararo o pagbungkal ng lupa ay natengga at nauwi sa taggutom.
Ang mga baboy ay nangamatay din, kaya nagtaasan ang presyo ng mga karne at sumabay pa na hindi nakakapaghanapbuhay ang mga tao dahil sa lockdown tulad ng nangyayari ngayong may COVID-19 pandemic.
Ang manok na para sa karneng pagkain ay nawala rin sa merkado dahil ang mga ito ay tulad ng baka at iba pa, maging ang mga tupa at kambing ay tinamaan din ng Black Death.
Kung hindi na makapagsaka sa mga taniman at wala na ring ang mga inaalagaang hayop, ibig sabihin, hindi na gaanong kumikilos ang mga tao. Dahil dito, ang gumana ay ang kanilang mga isipan at dito na rin nagsimula ang mga “free thinkers”. Hindi man sila makalantad, pero sila ay marami. Hindi man sila magkakakilala, pero iisa lang ang gumagana sa kanila at ito ay ang kanilang isipan.
Si Albert Einstein ay hindi isinilang sa panahon ng Black Death dahil siya ay nabuhay bago ito at habang ang mundo ay sumasailalim sa pananakol ni Hitler noong ikalawang digmaang pangdaigdig o World War II.
Pero ang pinakasikat niyang kataga na “Do not be afraid to ask questions” ay naghari sa lahat ng tao noong huling bahagi ng Dark Ages. Hindi na rin naman naawat ang mga tao na magtanong nang magtanong kahit palihim lang at mayroon din namang mga magkakaibigan na nagkaroon ng grupo at nagkikita sa isang lugar para talakayin ang kanilang mga tanong tungkol sa buhay at mundo.
Mayroon ding hindi grupo—kahit dalawa o tatlong magkakaibigan ay nag-uusap. Ang numero-unong pinag-uusapan ay kung ano ang mga sagot sa kanilang mga katanungan.
Sa panahon natin ngayon, maaari rin naman nating isagawa ang tulad ng kanilang isinabuhay. Sa panahon ngayon na ang pagkakaibigan ay hindi limitado sa dalawa o tatlong tao at ‘ika nga, mas marami, mas maganda na buksan ang mga kaisipan at magpalitan ng mga ideya.
Sa ganitong paraan, puwedeng matumbok ang gamot sa COVID-19, pero siyempre, hindi puwede ‘yung istayl ng gobyerno na dahil walang gamot sa nasabing sakit ay dededmahin ang may ideya kung paano ito gagamutin.
Paano mo isasama sa grupong palaisip ang mga taga-gobyernong sarado agad ang isip? Kung sila ay nabuhay noong bago ang Renaissance Period, malamang na sila ang naitsapuwera ng mga taong bukas ang pag-iisip.
Itutuloy
ความคิดเห็น