top of page
Search
BULGAR

Kahalagahan ng paghuhulog ng kontribusyon sa SSS

@Buti na lang may SSS | March 27, 2022


Dear SSS,

Magandang araw, SSS! Ako ay isang office clerk dito sa Ortigas. Nais kong itanong kung bakit kailangang maghulog ng kontribusyon sa SSS ang isang empleyado? Salamat po.

— Mia


SAGOT:

Mabuting araw sa iyo, Mia!

Marami tayong miyembro na may ganyang katanungan subalit para sa iyong kaalaman, Mia, ang paghuhulog ng kontribusyon sa SSS ay alinsunod sa Republic Act 11199 o Social Security Act of 2018 kung saan obligado ang isang pribadong employer na i-remit ang kontribusyon ng kanyang mga manggagawa ayon sa nakatakdang araw ng buwanang pagbabayad nito.

Napakahalaga na maghulog ng kontribusyon sa SSS dahil ito ay paraan na rin ng pag-iimpok upang mapaghandaan ang panahon ng iyong pagreretiro.

Bukod sa buwanang pensyon na iyong tatanggapin sa oras ng iyong pagreretiro, maaasahan mo rin ang SSS sa anumang oras ng iyong pangangailangan sa sandaling ikaw ay magkaroon ng pagkakasakit, panganganak, pagkabalda, pagkawala ng trabaho, pagreretiro, pagkamatay at pagpapalibing. Kinakailangan lamang na nakatugon ka sa mga kwalipikasyon sa bawat benepisyong ito.

Bukod sa mga nabanggit na benepisyo, nagkakaloob din ang SSS ng iba’t ibang pautang sa mga miyembro at pensyonado tulad ng Salary Loan at Pension Loan Program.

Nagbibigay din ang SSS ng iba pang tulong pinansyal sa mga miyembro at pensyonado nito na naapektuhan ng mga kalamidad tulad ng Calamity Loan Assistance Program, Direct House Repair and/or Improvement Loan, at three-month advance pension. Kinakailangan lamang din na nakatugon ka sa mga kondisyon sa ilalim ng alinmang pautang mula sa SSS.

May kasabihan tayo na “once a member, always a member” dahil panghabambuhay ang pagiging miyembro sa SSS. Kahit nga nakapagbayad lamang ng isang hulog ang isang miyembro at hindi na ito naipagpatuloy ay mananatili pa rin siyang miyembro ng SSS. Ngunit mas makakabuti kung habang may pinagkakakitaan ang ating mga miyembro ay tuluy-tuloy pa rin ang paghuhulog sa SSS para anumang oras niya kailanganing mag-apply ng mga benepisyo ay maaari siyang makakuha at makinabang dito.

Sa kasalukuyan, ang contribution rate ay 13% kung saan naghahati ang employer at manggagawa sa hulog sa SSS. Ang share ng employer ay 8.5% at 4.5% naman ang sa empleyado. Ang isang miyembro ng SSS ay naghuhulog mula sa minimum na kontribusyon na P390 hanggang P3,250 na buwanang kontribusyon. Samantala, Mia ang halaga ng bawat hulog ay nakadepende sa iyong kinikita kada buwan.

Halimbawa, ikaw ay isang empleyado na sumasahod ng P10,000 kada buwan. Ang total SSS contributions mo kada buwan ay P1,300. Ang P850 nito ay ang share ng iyong employer at ang P450 naman ay employee share.

Kaugnay nito, ang Employee’s Compensation (EC) contributions naman ay buong binabayaran ng employer para sa kanyang empleyado na may kaugnayan sa mga work-related accidents. Ito ay mula P10 hanggang P30 kada buwan na naaayon sa monthly salary credit (MSC) ng miyembro.


◘◘◘

Nais naming ipaalala sa mga survivor (death), total disability, dependent’s pensioners at retirement pensioners residing abroad o naninirahan sa ibang bansa na hanggang Marso 31, 2022 na lamang ang pag-comply nila sa Annual Confirmation of Pensioners’ Program (ACOP) para sa taong 2021. Maaari silang makapag-comply sa ACOP sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga kinakailangang dokumento sa corporate e-mail address ng pinakamalapit na SSS branch, o kaya’y ipadala ito gamit ang koreo sa pinakamalapit na SSS branch o foreign representative office. Maaaring mag-request ng video conferencing gamit ang Microsoft Teams ang mga pensioners na naninirahan sa ibang bansa at home visit naman para sa mga total disability pensioners.


 

Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at i-follow ang opisyal na Facebook page ng SSS sa “Philippine Social Security System” o sa Twitter account sa @PHLSSS. Maaari ding mag-subscribe sa YouTube channel sa “Philippine Social Security System” at sumali sa SSS Viber Community, “MYSSSPH Updates.”


Kung mayroon kayong katanungan tungkol sa SSS o kaya ay mayroon kayong paksa na nais talakayin sa pitak na ito, maaari kayong magpadala ng e-mail sa mediaaffairs@sss.gov.ph.

1 comment

Recent Posts

See All

1 Comment


faithsy1924
Jul 28, 2023

Gudpm po ask ko lang po sana.. Isa po akong employeer ng isang private company. Nung nag bgay po kc ako ng sss # ko mali po nabgay ko lately ko lang po nalaman na ung e1 pala ang basehan ng sss# hindi pala ung msmong sa card ng sss at un po ang naibgay ko.. Ngaun dlawang beses po ako nakaltasan una is june 20 2023 and second is july 20 .nag ask po ako ng refund pi sana sa agency ko kc hndi namn po nahulugan un at mali dn po ung number pro ayw magrefund kc nga dw po mandatory dw po un at ang sbi quarterly ang hulog ng sss so it means every 3 mnths…

Like

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page