top of page
Search
BULGAR

Kahalagahan ng karapatang pambata

ni Judith Sto. Domingo @Asintado | Nov. 20, 2024



Asintado ni Judith Sto. Domingo

Kabilang ang Pilipinas sa mga bansang itinakda ang tuwing ika-20 ng Nobyembre bilang World Children’s Day. Unang naitalaga ng United Nations General Assembly noong 1959 ang petsa at pagdiriwang na ito bilang pagpapahalaga sa deklarasyon ng mga karapatan ng mga bata, na una namang naihain sa Geneva noong 1923. 


Anu-ano nga ba ang mga karapatang pambata? Ito ay patungkol sa mga pangangailangan ng bawat bata ng kakayanan upang sumibol sa materyal at espiritwal na mga pamamaraan; ng pagkain upang mapawi ang gutom, gamot kung may karamdaman, tulong kung atrasado o paurong ang usad, pagpapawasto kung delingkwente, at pagkupkop kung naulila; na unang makatanggap ng tulong sa panahon ng kagipitan; na mabigyang kaalaman ukol sa buhay at proteksyon laban sa pananamantala; na maitanim sa kamalayan na ang angking dunong at kakayanan ay nararapat ilaan sa kapakanan ng kapwa.


Sa kasalukuyan, matapos ang anim hanggang 10 dekada mula nang maitatag ang naturang mga adhikain, hindi lang patuloy na hamon sa sangkatauhang nakatatanda ang walang humpay na pagpapatupad ng mga hangaring iyon. Lalo pa itong nakomplika ng moderno’t matuling panahon dulot ng makabagong teknolohiya, kasabay ng paglobo ng bilang ng tao’t kabataan saan man.


Sa isang banda, nakatutulong ang internet at social media sa pagpapalawak ng kaalaman ukol sa napakaraming bagay sa mundo, na dati-rati ay hindi lamang limitado kundi matagal pang makamit. Sa kabila nito, dahil makikita’t malalaman, at agad-agad, ang mga luho’t saloobin ng ’di mabilang na mga tao, mas lalong nagkakaroon ng pagkakataong maihambing ng kabataan ang kanilang sarili hindi lamang sa kanilang mga iniidolo kundi pati sa kanilang kapwa bata. Nauuwi tuloy ang mga bagito sa pagkainggit at posibleng pagkamuhi sa sariling kalagayan, pagkatao o maging pamilya.


Kung kaya’t laganap na usapin ang pagiging sensitibo ng kasalukuyang mga kabataan kung ikukumpara sa noong tayo mismo ay mga bata pa, pati ang pagiging mas alisto na hindi makapinsala sa kalusugan ng kanilang kaisipan o mental health. 


Nakadidismaya rin ang katotohanang libangan na’t birtwal na taga-alaga o yaya ng mga paslit ang telepono o tablet habang ang kanilang mga magulang ay abala sa patong-patong na mga gawaing pantaguyod ng mag-anak.


Napapaaga tuloy ang pagkabilad ng mga bata sa napakaliwanag na tabing ng mga elektronikong aparato, kung kaya’t dumarami ang mga nagsusuot na ng salamin bago pa man tumanda. Ang isa pang nakalulungkot na aspekto nito ay hindi na likas sa maraming kabataan ngayon ang pagpapapawis sa paglalarong kalye, at imbes ay mas nanaising mag-online games habang nakaupo nang napakatagal.


Nito pang mga nakaraang taon, nakapagpabawas sa pag-usbong ng kritikal na pag-iisip ng kabataan ang pagyabong ng AI o artificial intelligence, na nagiging kasangkapan ng mga mag-aaral upang magawa ang kanilang mga takdang aralin nang halos hindi na ginagamit ang sariling dunong. 


Buti sana kung hanggang doon lamang ang mga peligro sa kabataan. Ngunit gaya ng laman ng mga balita, nariyan ang napakaseryoso’t delikadong pagkasangkapan sa mga


 

Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.


0 comments

Commentaires


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page