top of page
Search

Kadiwa ng Pasko, nagbukas na sa Maynila

BULGAR

ni Lolet Abania | November 5, 2022



Inilunsad na ang Kadiwa ng Pasko, na nagbebenta ng mga goods at local products sa mas mababang presyo sa Sta. Cruz, Manila ngayong Sabado.


Batay sa report ng Dobol B TV, binuksan ang Kadiwa ng Pasko sa Rasac Covered Court sa Rizal Avenue.


Kabilang sa mga mabababang presyo ng bilihin na ibinebenta ay mga prutas at gulay, at mga local products gaya naman ng mga bag, tsinelas, damit, at marami pang iba.


Ang programa, kung saan pinapayagan ang mga magsasaka at micro, small and medium enterprises (MSMEs) na direktang ibenta ang kanilang mga produkto ngayong Kapaskuhan, ay bahagi ng inisyatiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na siyang nagsisilbing Department of Agriculture (DA) secretary.


“Nais kong batiin ang ating mga sellers sa ating KADIWA ng Pasko na trial run. Maraming maraming salamat at kayo ay nakilahok dito sa aming bagong programa na sana, ‘pagka ito ay lumawak at dumami, ay makakatulong sa taumbayan lalong-lalo na at papasok na tayo ng Pasko kaya’t ang tulong ninyo ay napakahalaga,” saad ni Pangulong Marcos sa isang statement.


“Maraming-maraming salamat sa inyo sa tulong na ibinibigay ninyo sa programa natin para maging matagumpay ang ating pagtulong sa ating kapwa Filipino,” pahayag pa ng Pangulo.


Ang Kadiwa ng Pasko sa Sta. Cruz ay malapit sa LRT1 Bambang Station, at bukas ito ng Sabado hanggang alas-4:00 ng hapon.


Bibisitahin din nito ang iba’t ibang lungsod sa National Capital Region (NCR) sa susunod na mga linggo.


Samantala, ayon sa Manila Public Information Office (PIO), ilang mga kalsada ang sarado mula alas-5:00 ng madaling-araw hanggang alas-8:00 ng gabi sa lahat ng Sabado at Linggo ng Nobyembre 2022 dahil sa Kadiwa ng Pasko.


Ang mga ito ay Alvarez Street, mula Rizal Avenue hanggang Ipil Street; at isang lane ng Quiricada Street, mula Ipil Street hanggang Rizal Avenue.

0 comments

Recent Posts

See All

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page