ni Beth Gelena @Bulgary | Oct. 8, 2024
Nag-react na si Jackie Gonzaga sa tsismis sa kanila ni Ion Perez.
Sa isang live video ni Jackie, natanong siya ng mga fans sa isyung kumakalat tungkol sa kanya.
“Isyu saan?” aniya.
“Hala, sabi ng mga tao, buntis daw ako.”
Tanong pa nila, totoo raw ba?
“Anong truth? Kung anu-ano pinag-iisyu n’yo, kami raw ni Ion. Adik ba kayo? Tigilan n’yo ‘yang bisyo n’yo, ah?” ani ng dancer-TV host.
Saad pa niya, “Kadiri ‘yung mga taong naniniwala sa fake news.”
Nang may nagsabing hindi naman daw sila naniwala, “Congrats sa mga ‘di naniniwala, nakakapag-isip kayo nang maayos,” pakli ni Jackie Gonzaga.
Naku! For sure ay meron na namang maniniwala, pero nilinaw na nga nito na hindi totoo.
Ano kaya ang sey ni Meme Vice Ganda?
MAY post sa Instagram si Mark Kingson Qua (@mkqua) na sexy photo ni Gretchen Barretto.
Ang caption: “Tapos ang boxing, waahh! So nice to see you again, fitspiration ba kamo?”
Napa-“grabe” si Anne Curtis sa sexy photo ni La Greta.
Request naman ng isang commenter, “Sana magkaroon kayo ng project together!!! FASHION MOVIE!!!”
Komento naman ni Heart Evangelista, “A reminder - she is a queen.”
“You’re a younger version of La Greta,” sey naman ng faney ng Kapuso actress.
Sey pa ng ibang mga netizens:
“She looks GREAT as you do my dear.”
“Grabe, wala pa rin talagang kupas si Ms. Gretchen, ‘di halatang nasa 50s na. Super pretty pa ring tingnan hanggang ngayon. Slay queen!”
May nagsasabi namang “They look alike, Julia’s face and physique. Barretto’s are all beautiful talaga.”
Ayaw namang pumayag ang fan ni La Greta.
“No, Julia is far different from Gretchen. Gretchen’s beauty is super and the body is proportional and sexy. Julia looks gray.”
Naku, mukhang gusto pang pag-awayin ng mga commenters ang Barretto clan. Basta for me, pareho silang maganda.
Samantala, na-appreciate ni Gretchen Barretto ang komento ni Heart Evangelista, pinasalamatan niya ang Kapuso actress.
MULING sasabak si Marjorie Barretto sa pulitika. May mahabang mensahe si Marjorie sa kanyang Instagram (IG) ng kanyang muling pagpa-file ng Certificate of Candidacy (COC).
“After a lot of thought, prayers, and clear signs, I filed my COC for City Councilor yesterday under #TeamAksyonAtMalasakit. These past few months have been quite a journey, the thought of going back to public service after more than 10 years has been challenging, terrifying, and exciting. Grateful to Mayor Along Malapitan and Congressman Oca Malapitan for their trust and confidence in me. I have gained a renewed sense of purpose,” ani ng ina ni Julia na si Marjorie Barretto.
Comments