ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | May 20, 2022
Favorite topic na naman ngayon ng mga Marites ang Kapamilya actress na si Barbie Imperial matapos ang pinag-usapan ding breakup nila ng aktor na si Diego Loyzaga a few months ago.
Bagama't may mga natutuwa na naka-move on na si Barbie sa breakup nila ni Diego at mukhang happy na uli ito nang maispatan sa isang bar sa El Nido, Palawan na kasama diumano ang bagong boyfriend na isang abogado at ilang kalalakihan, meron namang ilang bitter pa rin at parang ayaw maging masaya ang tisay na aktres.
Base sa comments ng mga netizens sa posted video ni Barbie sa social media habang nakikipag-inuman diumano sa ilang kalalakihan kasama ang bagong BF nito, mukhang 'di nagustuhan ng ilan ang ginawa ng aktres.
"Hindi naman sa judgmental pero....ba't puro mama kasama niya?" curious na tanong ng isa.
Sagot naman ng isa pang netizen, "Nagtaka ka pa. Eh, tumatanggap nga ng shot sa 'di kilala. Hay, naku girl, sayang ang ganda mo. Sana naman, medyo tumalas-talas ka din. Puro lalaki 'yan."
Hirit ng isa pang Marites, "Sama agad travel with the guy. Hindi na talaga uso ang conservative."
Pagtatanggol naman ng isang netizen kay Barbie, "Once kinuwestiyon mo ang kilos ng isang tao, jinudge mo na siya. Saka ano'ng masama kung puro lalaki kasama niya? Minsan, mas ok pa maging barkada ang boys, walang drama kesa sa mga babae."
Pinuna naman ng isang nag-comment na ang bilis maka-move on ni Barbie at may kapalit agad kay Diego.
"Hoy teh, wala bang period of vacancy?" sabi pa ng netizen.
"'Di nababakante," second the motion ng isa pa.
Sagot ng isang pro-Barbie, "She's enjoying her young and single life. Judge mo na lang siya kung may asawa na at ugaling dalaga pa din, ha?"
Hirit ng isa pa, "Let her enjoy her youth. Buti nga 'di nagmamadali makabingwit ng asawa."
Sabi naman ng isang netizen sa punang puro lalaki ang kasama ni Barbie sa video, "Grabe mga judgmental dito. Hindi naman porke't mga lalaki ang nasa video, lalaki "lang" mga kasama niya. Ang ikli-ikli ng video para malaman lahat ng facts. At sa totoo lang, kahit pa lalaki lahat ng katambay, eh, ano ngayon? Hindi naman ibig sabihin, hindi siya disenteng babae. Wala naman siyang ginagawang masama.
"At kung may jowa nga siyang bago, eh, ano? May inapakan ba siya o sinaktan?
"Sa totoo lang I'm not a fan of hers pero nakaka-disturb 'yung ugaling judgmental sa atin."
Oo nga naman! At least single si Barbie kaya ano'ng masama kung makita man siyang may kasama lalaki o mga lalaki?
Comments