ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Jan. 12, 2025
Photo: BINI Aiah, Jak Roberto - Circulated, FB
Viral ngayon ang post ng BINI member na si Aiah sa kanyang Instagram (IG) Story na reel ng kanyang scuba diving kamakailan.
Caption niya, “That time when I went scuba diving for the first time and just hours before my flight to Egypt. Hahaha!”
Pero ang isang nakatawag-pansin ng mga netizens ay nasa larawan din si Jak Roberto, na isa sa tropang kasama ni BINI Aiah.
Bale ba ay ini-repost din ni Jak ang post ng BINI member sa kanyang IG Story.
Kasalukuyang nasa Egypt si BINI Aiah, which means recently lang nangyari ang scuba diving.
Siyempre, may mga nagtaka kung bakit nasa grupo si Jak gayung kabe-break lang nito kay Barbie Forteza. Ang iba naman ay nagtatanong kung may something ba between Jak and BINI Aiah.
Pero marami rin namang mga fans ang nagtanggol na hindi komo’t magkasama sa picture ay may something na.
Well, let’s wait and see kung ano ang masasabi nina Jak Roberto at BINI Aiah tungkol dito.
Sobrang excited na si Richard Gutierrez sa pilot ng bago niyang action series sa ABS-CBN, ang Incognito, kung saan kasama rin niya sina Daniel Padilla, Ian Veneracion, Baron Geisler, Anthony Jennings, Maris Racal, Kaila Estrada, at marami pang iba.
Sey nga ng aktor nang makatsikahan namin last Friday night over dinner, isa raw sa maituturing niyang highlights ng career niya ang Incognito dahil sa laki ng ensemble cast at ipapalabas pa ito sa Netflix.
Masaya rin si Chard na ang ganda ng feedback ng mga netizens sa trailer ng serye at sobrang thankful siya sa ABS-CBN na talagang binibigyan siya ng magagandang proyekto.
After the success of his hardcore action series na Iron Heart (IH), heto’t isa na namang action-packed ang ibinigay sa kanyang proyekto na aniya ay talagang gustung-gusto niyang gawin.
Enjoy daw siya sa action dahil bata pa lang siya ay ito na talaga ang hilig niya.
“When I was young, hilig ko na manood ng action films. Like lahat ng Bruce Lee movies, kinolekta ko. Lahat ng James Bond movies, pinanood ko. Lahat ng movies ni (Sylvester) Stallone, lahat ng movies ni Steven Seagal, ni Van Damme, lahat ‘yun, pinanood ko,” kuwento ni Chard.
Maaga rin daw siyang nag-training ng karate at martial arts noong bata pa siya habang nag-aaral sila ng kambal niyang si Raymond sa States.
Black belter daw siya sa karate at nagamit niya ito sa pagtatanggol sa sarili niya at kay Raymond laban sa mga bully na classmates nila.
“When we were studying in the States, naging easy target kami ng mga bullies. Like, first of all, twins kami. Tapos, hindi nila alam kung Asian ba ‘to, Mexican ba ‘to?” sey niya.
Noong teen-ager naman daw siya sa US, nag-weapons training siya, nakipag-compete, at nananalo pa.
Magsisimula nang mapanood ang Incognito sa January 17 sa Netflix, January 18 on iWantTFC, at January 20 on the Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, A2Z, and TV5.
Comments