top of page
Search
BULGAR

Kababaihan, ultrasound at mammogram services, libre na

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | Marso 15, 2024


Natutuwa tayo na ngayong ginugunita natin ang Women’s Month, may direktiba ang Department of Health sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na isama ang ultrasound at mammogram sa Konsulta Packages nito.


Inanunsyo kamakailan ni Health Sec. Teodoro Herbosa na dinirekta niya ang PhilHealth na isama ang mga serbisyong ito sa lalong madaling panahon.


Aniya, makakatulong ito sa pagsiguro ng “sustainable financing” ng preventive health services para sa maagang pagtuklas sa cancer at iba pang sakit.


Agad na tinugon ito ng PhilHealth, na magbibigay sila ng libreng mammogram at ultrasound services para sa mga babaeng member ng ahensya simula sa Hulyo.


Kasunod din ito ng magandang balita noong nakaraang buwan na tinaasan ng PhilHealth ang benefit package para sa breast cancer treatment sa P1.4 million mula P100,000.

☻☻☻


Noong Pebrero ay muling binuksan ng Commission on Elections ang voter registration para sa 2025 midterm elections.


Nasa 3 million new voters ang tinatarget ng Comelec na mairehistro hanggang sa pagsasara ng registration sa September 30.


Kinikilala natin ang pagsusumikap ng Comelec na maabot ang target na ito sa pamamagitan ng pagpapadali ng proseso para sa registration.


Bukod sa pagpapasimple ng proseso – isang form na lang ang kailangang sagutin sa halip na ang naunang 3 form – patuloy din ang pagtataguyod ng satellite registration para maabot ang mga vulnerable sector gaya ng persons with disabilities, senior citizens, at mga nasa geographically isolated and disadvantaged areas (GIDA).


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal. Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice! 

 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page