top of page
Search
BULGAR

Kaaway ni VP Sara, hindi si PBBM, hulaan n’yo!

ni Ka Ambo @Bistado | Jan. 10, 2025



Bistado ni Ka Ambo

Nagkakainitan na ang away nina PBBM at VP Sara.

Hindi na biro.


-----$$$--


Sa totoo lang, hindi naman talaga si PBBM ang kaaway ni VP Sara.

Hulaan ninyo kung sino?


----$$$--


AMININ man o hindi, naggigirian para sa 2028 presidential election.

Para hindi kayo maligaw o magoyo at maunawaan ninyo ang mga nagaganap, iayos ninyo ang “konteksto” sa mga impormasyon na natanggap ninyo.


----$$$--


MALINAW na maniobrang pulitika ang lahat.

Ibig sabihin, ang “kaso-kaso” o “isyu-isyu” ay walang talab — hindi iyan ang “sustansya” ng mga balita.


----$$$---


SA totoo lang, kung tayo ang tatanungin kung ano ang depinisyon ng “fake news” ay masasabi nating 95 percent ng political news — ay “palsipikado”.

Ang mga palsipikadong impormasyon at “ipinormang teksto at konteksto” — ay nagmumula sa inyong pinakamamahal na mainstream media.


----$$$--


NEGOSYO rin kasi ang media — at hindi maiiwasan na mapasukan ito ng “propaganda”.

Opo, ang palsipikadong teksto at konteksto ay angkop na ilarawan na propaganda.


-----$$$--


NALULUGI at nalilipasan ng kamandag ang media — dahil sa iba’t ibang anyo ng propaganda.


Gumagrabe ito sa panahon ng girian sa pulitika.


----$$$--


ANG mainstream media at ang akademya ay bigo na suriin, ayusin at ipaliwanag ito.

Ito ay dahil ang mga padron na ginagamit — o modelo na yinayakap ay nalipasan na ng uso — kapwa ng mga sinasabing batikang editor at beteranong academician.


----$$$--


ANG kabiguan na makasabay sa mabilis na nagbabagong anyo ng henerasyon at teknolohiya, ang siyang tunay na ugat ng maselang krisis na ito sa multi-media.

Tila nilamon na ng kanser sa lipunan ang media at walang nagtatangka na ayusin ito.


----$$$--


NAGYAYABANG at umaastang bihasa ang ilan, gayung wala silang sapat na “karanasan” o epektibong padron para sa repormasyon ng media industry.


Hindi lang ang ordinaryong obrero o manggagawa, bagkus ay maging ang mga kapitalista — may-ari at publisher — ay kaawa-awang biktima ng nagbabagong henerasyon.


-----$$$--


ANG mga karanasan na karaniwang batayan ng pag-unlad o progreso — ay hindi sapat na pundasyon sa repormasyon — dahil walang kakayahan ang sinuman na unawain ang modernong sibilisasyon na ating ginagalawan.


Isang halimbawa rito ay ang pananalasa o pagsakop ng artificial intelligence sa lahat ng sektor.


----$$$--


SA ayaw o sa gusto mo, maaalipin na ang buong mundo at lipunang ginagalawan natin ng mga “robot” o ang malawakang paggamit ng AI.


Nauunawaan mo ba ang tunay na implikasyon ng AI — bukod sa aktuwal na teksto, konteksto na nasilip mo sa ChatGPT at Google?


Ang lantay na kahulugan ng isang kataga ay hindi sapat na ipaliwanag gamit lamang ang “kapwa kataga”.


‘Yan ang napakapait na katotohanan!


May nakakaunawa kaya?


 

Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.


0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page