ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | August 13, 2024
Nanginig ang buong katawan ni Gabby Padilla habang paakyat sa entablado para tanggapin ang kanyang Best Actress award sa katatapos na 2024 Cinemalaya Independent Film Festival nitong Linggo nang gabi, Agosto 12, na ginanap sa Ayala Malls Manila Bay.
Hindi kasi makapaniwala ang isa sa mga bida ng pelikulang Kono Basho na idinirek ni Jaime Pacena II, produced ng Project 8 Projects nina Direk Dan Villegas at Antoinette Jadaone, kasama ang Mentorque Productions na pag-aari ni Bryan Diamante na producer din ng Mallari.
Nang makatsikahan si Gabby sa nakaraang Gala Night ng Kono Basho sa Ayala Malls Manila Bay, aniya, hindi niya inaasahang mananalo dahil bukambibig ng karamihan ang Balota ni Marian Rivera, at may nagsabi pang malakas din ang laban ni Mylene Dizon ng The Hearing.
Kaya nga nang kulitin si Gabby sa panayam kung halimbawang magwagi nga siya bilang Best Actress ay napangiti siya at ang sey niya, “If I did, that would be so surreal. If it happens, it would be an award I would share with the whole team because it was something that took a village to build,” sagot ng dalaga.
Dark horse na maituturing si Gabby kung ikukumpara sa mga aktres na nabanggit pero mukhang suwerte ang aktres dahil nagtabla sila ni Marian sa pagka-Best Actress.
Aniya, “Sorry, nanginginig ako, ‘di po ako makapaniwala. Thank you po sa Cinemalaya for giving filmmakers the platform to tell their story every year. Thank you so much! I’d like to thank my director, Direk Jake (Jaime Pacena II), thank you for choosing me. Direk Dan Villegas, ‘pag tumawag ka sa ‘kin, ‘di talaga ako magno-no. Thank you so much.
“I’d like to share this award with the rest of the Kono Basho team, Mentorque, Project 8, the community of Rikuzentakatam, our Japanese crew team. Thank you so much, my co-actor, Arisa Nakano (Japanese actress) who is with us tonight. And I’d like to thank my family, my mother.”
Hindi na kapiling ni Gabby ang ama, kaya inialay niya ito sa kanya.
“This film is about the love of a father and I would like to share this with my own. He is the reason why I’m here tonight, he has taught me to make believe and tell stories, so, I’d like to share this award with him for every hill. I hope you see this and I hope he’s happy, thank you po, thank you so much!” pigil ang luhang sabi ni Gabby.
Samantala, ito ang unang Cinemalaya Best Actress award ni Gabby pero lagi siyang nominado sa mga pelikulang nagawa na niya tulad sa FAMAS 2019 para sa pelikulang Billie & Emma, PMPC Star Awards for Movies 2019 (Billie & Emma), QCinema International Film Festival 2018, at 2024 Gawad Urian (Gitling). Pero nakamit niya ang Best Actress sa Society of Filipino Film Reviewers para sa pelikulang Gitling.
Anyway, ang ibang napanalunan ng Kono Basho sa 2024 Cinemalaya Independent Film Festival ay ang Best Director (full-length feature film) - Jaime Pacena II, Best Production Design - Eero Yves Francisco at Best Cinematography - Dan Villegas.
תגובות