ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | December 19, 2020
![](https://static.wixstatic.com/media/b16d6f_f2ce45152f7b4091a389eb597ae98238~mv2.jpg/v1/fill/w_656,h_393,al_c,q_80,enc_avif,quality_auto/b16d6f_f2ce45152f7b4091a389eb597ae98238~mv2.jpg)
Fifty-one years old na ang Comedy Genius na si Michael V. na nag-celebrate ng kanyang birthday last December 17.
At tiyak na isang magandang regalo para sa kanya na kasama siya sa Top 10 Most Searched Personality sa Google kung saan pasok din ang top Korean actor na si Hyun Bin.
Masaya at flattered si Bitoy sa pagkakapasok niya sa Top 10 at nagpapasalamat din siya na kahit may quarantine ngayon dahil sa Covid pandemic ay patuloy na dumarating sa kanya ang mga product endorsements.
Ongoing pa rin ang longest-running gag show niyang Bubble Gang at maging ang sitcom na Pepito Manaloto ay mahigit sampung taon nang pinanonood at sinusubaybayan ng mga viewers.
Iba ang estilo at atake ni Michael V. sa comedy — simple, suwabe at natural, kaya swak na swak sa panlasa ng masang Pinoy!
Belated happy birthday, Toybits!
Comments