ni Madel Moratillo | April 28, 2023
Isinusulong ni dating Pangulo at ngayo’y House Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na mula sa kasalukuyang K-12 basic education curriculum ay gawin itong K+10+2 program.
Ayon kay CGMA, naghain na siya ng panukala sa Kamara para rito.
Batay aniya sa mga pag-aaral, kabilang ng Department of Education, bigo ang Technical, Vocational and Livelihood Curriculum na makapag-produce ng job-ready graduates.
Kinonsulta umano n’ya rito si Vice President at Education Secretary Sara Duterte at alam din ito ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.
Sa ilalim ng K+10+2 na isinusulong ni CGMA, ang +2 ay hindi na magiging voc-tech kundi itutulad sa foundational college courses sa Europa na naghahanda sa kanila sa university education.
Sa ilalim ng nasabing panukala, pagdating ng fourth year high school ay ga-graduate ang isang estudyante at ang plus 2 ay magiging post-secondary o pre-university para sa mga nais mag-pursue ng professional degree.
I hope they get rid of this problem soon.click here