NEGOSYO SA SOUTH KOREA.
ni Janiz Navida @Showbiz Special | September 05, 2021
Tiyak na ikatutuwa ng mga adik na adik sa K-Pop stars and K-dramas ang nasagap naming balita na posibleng kapag normal na ang sitwasyon, madala rito sa 'Pinas ng produksiyon ni Narvacan, Ilocos Sur Mayor Chavit Singson ang mga sikat at hinahangaang K-Pop idols ng mga Pinoy.
May bago kasing business-investment si Mayor Chavit sa South Korea, na hello… tumataginting na 100 million dollars lang naman (yes, 'wag n'yo nang ipa-convert sa pesos para 'di na sumakit ang ulo ko mag-compute! Char!)!
Kapipirma lang ni Mayor Chavit ng Memorandum of Understanding para sa 1.7 billion dollars resort development project sa South Korea kasama ang Gangwon Province government, East coast Free Economic Zone Authority, Korea Investment & Securities Co. at Hyundai Asset Management Co.
Kasali sa proyektong ito ang pagpapatayo ng resort centers at ocean complexes sa Donghae City, nasa 260 km silangang bahagi ang layo mula sa Seoul.
Plano rin ng LCS Group na pinamumunuan ni Mayor Singson ang bumili ng mga properties para sa mga sarili nitong businesses doon.
Ang LCS group ang pinakaunang Philippine company na nag-invest para sa real estate development project sa South Korea, samantalang dito sa 'Pinas, ang group of companies ni Mayor Chavit ay nakatutok sa mining, transportation, defense, logistics at telecommunication towers.
Kaya kung magiging successful ang kanyang bagong investment sa South Korea dahil sa kanyang partnership sa Korean government, eh, hindi nga malayong next niya nang project ang pagdadala rito ng mga Korean stars.
Samantala, we heard na tinututukan din ngayon ni Mayor Singson ang pagpapalagay ng solar panel para sa bagong parking lot ng public market sa bayan ng Narvacan, Ilocos Sur. Ang solar panel ang pagmumulan ng supply ng kuryente para sa charging stations ng electric jeepneys sa nasabing lugar.
So, ang bongga lang, 'di ba?
댓글