top of page
Search
  • BULGAR

JULIUS, NAKAPAGAGAWA NG BAHAY SA PAGBEBENTA NG PAINTINGS

ni Julie Bonifacio @Winner | June 27, 2024



Showbiz Photo

Pinag-usapan na naman ang latest celebrity na ininterbyu ni Julius Babao sa kanyang vlog. Ang tinutukoy namin ay ang dating sexy star na si Tetchie Agbayani.


Patok sa mga netizens ang vlogs ni Julius sa kanyang social media accounts, especially ‘yung mga sikat na sexy stars nu’ng araw na napabayaan na hindi lang ang sarili kundi pati ang kabuhayan nila, kaya ang dami niyang followers and views sa kanyang vlogs.


Same goes sa misis niyang si Christine ‘Tintin’ Bersola.


Feeling tuloy ng marami na ang yaman-yaman na nina Julius at Tintin.


“Hindi naman,” tanggi ni Julius. “Hindi naman because of the vlogs. ‘Yung vlogs n’ya, ngayon lang ‘yan eh, pero ‘yung ano talaga, ‘yung pagse-save ng pera, mag-i-invest sa mga tamang investment.”


Habang ang iba ay nag-i-invest sa bahay, lupa at iba pang properties, mas pinili ni Julius na mag-invest sa art.


“Ang dami kong paintings na mamahalin. Pero ano, hindi naman namin ine-expect na magandang investment s’ya.


“It’s just a passion for me, passion for connecting. Pero eventually, tumaas ‘yung mga prices ng mga paintings na ‘yun,” pahayag niya.


Minsan daw ay nagbebenta siya ng painting kapag kailangan. Gaya na lang nu’ng nagpagawa sila ng bahay ni Tintin, instead ‘yung savings daw nila sa bank ang ginalaw nila para panggastos sa pagpapagawa ng bahay.     


Sey ni Julius, “Saka, may mga times na talagang naging problema ‘yung finance, especially when nag-shutdown ‘yung ABS-CBN, nag-close.


“We were in the dark. Ano ba’ng mangyayari rin sa ABS-CBN? Mawawalan pa kami ng trabaho.”


May nabenta raw siya ng less than 10 paintings nila ni Tintin noon. Siyempre, inabot din ng milyung-milyong piso ang kabuuang halaga ng mga nabenta niyang painting ng mga kilalang pintor around the world.


 

PINASINUNGALINGAN ni Dimples Romana ang tsikang hiwalay na ang best friend niyang si Angel Locsin sa mister nito na si Neil Arce. Happily married pa rin daw ang aktres at si Neil, inaalagaan daw mabuti nito si Angel. 


Ang dali raw kasing mag-speculate ng mga tao lalo na sa social media na kapag hindi nila masyadong nakikita ang isang married couple, pag-iisipan agad na hiwalay na.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page