top of page
Search
BULGAR

JULIA, WALA NANG RESPETO SA AMA, PINALABAS PANG WA' 'WENTA SI DENNIS

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | September 22, 2022



Malalim ang hugot ni Dennis Padilla kapag nababanggit ng kanyang mga anak ang pagkukulang niya bilang ama sa mga ito. Kaya hindi niya mapigilang maglabas ng sama ng loob at manumbat.


Alam niyang ginawa niya ang kanyang tungkulin bilang padre de familia noong mga bata pa ang mga anak nila ni Marjorie Barretto. Naibili pa nga raw niya ng townhouse ang pamilya noong malakas pa siyang kumita. At hindi siya nanghingi ng share sa townhouse na ito nang maghiwalay sila ni Marjorie.


Dinamdam din nang husto ni Dennis nang gustong palitan ng Barretto ang apelyido ng kanyang mga anak, ganu'n din ang pandededma sa kanya ng mga ito on special occasions tulad ng Pasko, Father's Day at kaarawan niya.


Awang-awa si Dennis sa sarili kapag napapanood ang mga interviews ni Julia Barretto tulad ng kanyang latest interview kay Karen Davila.


Well, maging si Claudine Barretto na tiyahin ni Julia ay nakiusap na kay Dennis Padilla na tigilan na ang kanyang pamangkin na nasisira ang imahe sa publiko.


Payo naman ng mga showbiz observers, tigilan na rin ni Julia ang pagbanggit kay Dennis kapag siya ay may interview kung gusto niya ng katahimikan.


Ang kanyang career at love life na lang ang ibida niya. Bigyan na rin niya ng katahimikan ang kanyang ama. Bigyan niya ng konting respeto si Dennis at 'wag palabasin na walang kuwenta.


0 comments

Komentar


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page