top of page
Search

JULIA AT GERALD, 'DI NA MAPAGHIWALAY

BULGAR

ni Beth Gelena @Bulgary Files | March 8, 2023




Ipinasilip ng celebrity couple na sina Gerald Anderson at Julia Barretto ang kanilang bakasyon sa Paris.


Ibinahagi nila sa kani-kanilang Instagram account ang mga kuhang larawan kung saan nag-post ang aktres ng mga magagandang views, habang ang aktor ay ang masasarap na pagkain sa Paris, France.


Ikinatuwa naman ng JuRald fans ang nakita nilang video clips kung saan makikita ang ka-sweet-an ng couple.


Ilan sa mga komento ng mga netizens…


"Aww! Lovers in Paris, ito na sana, gandang place 'to."


"Nakaka-happy makita na laging nag-a-update si Gerald sa My Day niya. Nakakakilig, 'di ba?"


"More update, Gerald! Hahahaha!"


Mukhang hindi na nga mapaghihiwalay ang mga ito. Habang tumatagal umano ay lalong nagiging strong ang kanilang samahan.


Nalagpasan na umano nila ang bagyo noong nag-uumpisa pa lang ang kanilang relasyon. Pinatutunayan nga raw ni Gerald na si Julia na ang kanyang "the one".


Ang tanong ng mga netizens, sa simbahan na kaya ang tuloy ng kanilang pagmamahalan?


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page