top of page
Search

Judge na may hawak sa huling drug case ni de Lima, bumitaw

BULGAR

ni Aileen Taliping | July 7, 2023




Nag-inhibit si Muntinlupa Regional Trial Court Judge Abraham Joseph Alcantara sa paghawak sa huling kaso sa ilegal na droga ni dating Senadora Leila de Lima.


Ang hakbang ni Judge Alcantara ay bilang tugon sa kahilingan ng state prosecutors upang maalis ang anumang pagdududa.


Ang huling kaso ni De Lima sa ilegal na droga ay napunta kay Alcantara noong June 30 matapos mag-inhibit si Judge Romeo Buenaventura na naunang pinag-inhibit ng mga abogado ng dating senadora.


Si Alcantara rin ang nag-acquit sa ikalawang drug case ni De Lima noong Mayo.


Sinabi ni Alcantara na pinagbigyan niya ang kahilingan ng mga prosecutor para sa voluntary inhibition upang maalis ang mga agam-agam at pagdududa sa kanyang kredibilidad integridad at pagiging patas.


"At the very first sign of lack of faith and trust in his or her actions, whether well-grounded or not, the judge has no other alternative but to inhibit himself or herself from the case," ani Alcantara.


0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page