ni Julie Bonifacio @Winner | June 8, 2023
Nagbakasyon si Judy Ann Santos kasama ang kanyang asawa na si Ryan Agoncillo at ang kanilang tatlong anak sa Japan.
Ishinare ni Juday sa kanyang Instagram ang video ng pagpunta nila sa Japan. Caption ni Juday: “Our first trip ever! Day 1 in #Osaka. We have been talking about going to Osaka, ever since the pandemic happened. Finally!! Nakaalis kami!!! Woot, woot! @ryan_agoncillo!”
Deserved ng family ni Juday ang naturang vacation sa Japan, lalo na’t katatapos lang ng panganay nila na si Yohan ng kanyang senior high school. Pagbalik from Japan, kasabay naman ito ng pagpasok ni Yohan sa kolehiyo.
Habang si Ryan ay sasabak na ulit as one of the hosts ng Eat… Bulaga! sa bago nitong TV network.
This time, sure na sure na may TF o talent fee na ang mga hosts ng EB!. Eh, kasi nga, nai-reveal na ang tagal na ‘di sumusuweldo ng mga hosts ng nasabing noontime show sa dati nilang producer.
Buti na lang talaga, financially stable na sina Ryan at Juday, kaya kahit walang natatanggap na TF si Ryan sa EB!, keri pa ring ma-sustain ang gastusin ng kanyang pamilya.
And also, napakasipag at napakaraming dumarating na projects kay Juday. Kahit pandemic, nagkaroon siya ng show sa ABS-CBN at dagsa pa rin ang endorsements niya.
While si Ryan, kahit walang ibang project bukod sa EB!, for sure, may ibang pinagkakaabalahan ang host-actor. At hindi niya pababayaan na si Juday lang ang bubuhay sa kanyang pamilya.
As I’ve said, nakapag-ipon na rin naman si Ryan nang higit pa sa sapat for his wife and children, kaya nananatiling ‘ideal couple’ hanggang ngayon sa showbiz sina Juday at Ryan.
Comentarios