ni Janiz Navida @Showbiz Special | October 15, 2023
Last October 7 pa ang 26th birthday ni Joshua Garcia, pero dahil may kasabihan ngang: "Better late than never," may pa-birthday cake pa rin sa kanya ang production ng Unbreak My Heart sa ginanap na finale mediacon ng serye sa Dolphy Theater last Friday night.
Naghanda rin ng video greetings ang production kung saan binati si Joshua ng kanyang mga closest friends tulad ng magdyowang Ria Atayde at Zanjoe Marudo, Daniel Padilla, Sofia Andres, Dimples Romana, Alora Sasam at marami pang iba.
Sa birthday greetings nga ni Alora namin nalaman na dream pala ni Joshua na magpatayo ng building, para siguro gawing negosyo.
Nakakabilib naman talaga ang success na tinatamasa ngayon ni Joshua, na kantiyaw nga ng mga kaibigan niya, nasa kanya na lahat ang mga endorsements ngayon, which is true naman, dahil mapa-TV, radio, print and digital world, mabentang-mabenta ang magaling na aktor.
Siya na rin ang tinaguriang "Ultimate Leading Man" of this generation na dating hawak nina Piolo Pascual at John Lloyd Cruz.
Well, that's life naman talaga. Sabi nga, weder-weder lang 'yan. Kumbaga, tapos na ang panahon nina Papa P. at Lloydie at si Joshua na ang hottest and most in demand leading man ngayon.
Well-deserved naman ni Joshua lahat ng success na tinatamasa niya ngayon dahil hindi lang looks ang meron si Joshua, napakagaling nitong umarte, bukod pa sa pagiging mabuting anak, dahil siya rin ang breadwinner ng kanyang pamilya.
Kaya 'wag lang maligaw ng landas si Joshua at ituluy-tuloy lang ang pagiging focused sa kanyang career, for sure ay malayung-malayo pa ang mararating niya sa showbiz.
Kahit nga ang magaling na aktres na si Jodi Santamaria na co-star ni Joshua sa Unbreak My Heart ay hangang-hanga sa aktor dahil sa pagiging passionate nito sa kanyang craft.
Hindi nga naman lahat ng batang aktor ngayon ay may ganyang mindset at pagmamahal sa kanyang trabaho tulad ng nakikita niya kay Joshua.
Plus factor din na magaling makisama si Joshua sa kanyang mga co-stars, kaya nga maging si Gabbi Garcia na leading lady din niya sa Unbreak My Heart ay naging ka-close rin ng guwapong aktor.
Kuwento nga ni Gabbi, ang dami nilang naise-share ni Joshua sa isa't isa while taping the series, to the point na pati mga personal na buhay nila ay napag-usapan na nila.
At kaya rin naman lumabas nang maganda ang mga eksena nila sa Unbreak My Heart dahil maganda nga ang naging working relationship nila — walang awkwardness, walang pressure at very light lang daw ang kanilang pagtatrabaho kahit nu'ng nasa Europe pa sila.
Kaya for sure, ngayong nalalapit na ang pagtatapos ng Unbreak My Heart at limang linggo na lang mapapanood sa GMA-7, tiyak na mami-miss nina Gabbi at Joshua ang isa't isa, ganundin ang iba pa nilang co-stars sa serye tulad nina Jodi, Richard Yap, Sunshine Cruz, Eula Valdez, Jeremiah Lisbo, Bianca de Vera, Romnick Sarmenta, Laurice Guillen, Nikki Valdez at marami pang iba.
Comments