ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | November 19, 2023
![](https://static.wixstatic.com/media/bd1fd9_f7063ad7fe134322bd5c3598117a2444~mv2.jpg/v1/fill/w_656,h_393,al_c,q_80,enc_avif,quality_auto/bd1fd9_f7063ad7fe134322bd5c3598117a2444~mv2.jpg)
Mataas pa rin pala ang hinihinging TF (talent fee) ni Jonalyn Viray kapag kinukuha sa mga local events kahit na nagbaba na ng kanilang TF ang ilang singers dahil sa nagdaang COVID pandemic.
Hindi naman ticket selling ang show ni Jonalyn kundi anniversary lang ng isang government office. Pero, malaki pa rin ang hininging talent fee ng kampo ni Jonalyn.
At ang nakakalokah, nang mag-request daw ng isa pang kanta ang mga nanood ng show kung saan special guest si Jonalyn Viray ay kailangan daw na magdagdag ng P50 thousand sa kanyang talent fee.
‘Pag nag-MORE ang audience at nag-request ng isa pang kanta, magbabayad ng P50 thou ang nag-imbita.
Kaya ang ending ay hindi na humirit pa ng isang kanta ang audience kay Jonalyn. Hindi siya magdaragdag ng kanta kapag walang dagdag ang kanyang talent fee!
Well, hindi ba natutuwa si Jonalyn kung marami ang nakaka-appreciate ng kanyang boses kapag siya ay nagso-show?
Besides, hindi naman multi-national company ang kumuha sa kanya para mag-guest sa kanilang event. Bakit hindi man lang niya napagbigyan ng isa pang kanta?
Baka next time, ayawan na rin siya at dedmahin kapag nagpe-perform.
Hindi naman habampanahon ay sikat ang isang singer at maraming darating na mga bago at magagaling.
Comments