ni Julie Bonifacio @Winner | Mat. 22, 2025
Ayun na nga, big surprise sa bonggang launch and mediacon ng bagong awitin ni Revival King Jojo Mendrez na Nandito Lang Ako under Star Music ang former StarStruck member na si Rainier Castillo.
Hindi tuloy napigilan ni Jojo ang maiyak nu’ng biglang umapir towards the end ng mediacon si Rainier at binati ang Revival King sa bago niyang kanta.
Kuwento ni Jojo, “Kasi nagsabi na siya (si Rainier) na pupunta raw siya rito. Pero wala ‘yung final confirmation na darating. Kasi parang may event na pupuntahan.
“Si Mark (Herras) naman kanina, nag-message sa akin ng congratulations. Tapos nagbalita siya sa akin na nag-transfer nga raw siya ng bahay. Hindi ko naman siya ini-invite rito kundi ang usapan, ang sabi ni Rainier, ita-try niyang (Mark) makahabol.
Pero hindi ko in-expext na darating siya (Mark) rito.”
Anyway, we asked Jojo kung paano ang latag ng promo ng Star Music and his team para umani rin ng maraming views sa socmed ang Nandito Lang Ako gaya ng kanyang hit revival song na Somewhere In My Past.
Pahayag niya, “May airplay na sa FM stations. Sa maraming FM stations na siya pinatutugtog. At sa AM stations, tinutugtog na rin po at saka ‘yung mga social media influencers, nagtawag na sila for a collab.
“Ang first influencer po na gumawa ay si Brenda (Brenda Mage, vlogger). In two days, nag-500 views yung Nandito Lang Ako. But as of this time, may 30 na influencers na mga kilala ang gagawa ng content para sa song.
“At saka si Ms. Nora Aunor, may special appearance sa music video ng Nandito Lang Ako. ‘Yun po ang abangan ninyo.”
Then, nag-follow-up question kami kay Jojo regarding Ate Guy’s participation sa kanyang music video.
Sabi niya, “Kasi ano, si Ate Guy, very supportive sa akin. ‘Yung first major concert ko na Revival King, the first Revival King concert, nandu’n siya.”
Magkaibigan daw talaga sila ni Ate Guy.
“When isu-shoot ang music video ng Nandito Lang Ako? ASAP ‘yun. Siya kasi ang gusto ng Star Music na makasama ko sa music video. Nasa concept daw kasi ‘yun.
Hindi ko pa lang alam kung ano ang participation ni Ate Guy sa music video. Kasi idi-discuss pa ‘yung buong concept,” lahad pa ni Jojo.
Proud father si Richard Gutierrez sa eldest son niya na si Zion sa achievement nito which he posted sa kanyang Instagram.
Sinamahan ng Kapamilya actor si Zion sa Amerika na isa sa mga members ng Philippine delegates para sa United Nations.
Si Zion ay ang panganay na anak ni Richard sa kanyang estranged wife na si Sarah Lahbati.
Caption ni Richard sa kanyang IG post ng photos nila ni Zion sa US, “Exploring New York City with my little man, Zion. So proud of his work with the Philippine delegates for the United Nations.”
Karugtong ng caption ng isa sa mga bida ng Kapamilya action-series na Incognito ang kanyang pasasalamat sa mga guro at kapwa niya parents ng mga estudyante na kinabibilangan ni Zion.
Pagpapatuloy ng caption ni Richard, “To all the teachers and co-parents who worked tirelessly to make this trip an unforgettable experience for our kids, thank you.
“I will never take these moments for granted, watching Zion grow into a fine young man. Always remember, Dad is here cheering you on every step of the way. I love you, Zion.”
Samantala, isang heartwarming birthday message naman ang ipinost ni Richard para sa bunsong anak nila ni Sarah na si Kai.
Say ni Richard, “Zero sleep and still on East Coast time, but back in Manila in time for Kai's 7th birthday. Wouldn't miss his birthday for the world.
“To my youngest son whose infectious smile and limitless energy lights up every room, always remember that we love you, keep being yourself and keep being awesome. Always protect your kind heart and good intentions. Dad will always have your back. I love you Kai.”
Ang sweet naman ni Richard sa kanyang mga anak, ‘di ba?
Comments