ni Beth Gelena - @Bulgary Files | September 26, 2021
Tatakbo palang konsehal si Claudine Barretto sa Olongapo City, Zambales.
Kasama raw ang aktres sa line-up ng mga konsehal sa ilalim ng tiket ng talent manager na si Arnold Vegafria na tatakbo naman daw na mayor.
May ginawa na ring official page ang team nina Arnold at Claudine, ang Bangon Olongapo 2022.
First time na papasukin ng aktres ang mundo ng pulitika.
Maraming celebrities ang gustong baguhin ang kanilang kapalaran, hindi bilang artista kundi sa pulitika naman.
Ang dating child actor na si Nash Aguas ay tatakbo rin daw konsehal sa Cavite.
Si Arjo Atayde na isang mahusay na aktor ay papalaot na rin sa pulitika kung saan tatakbo siyang kongresista sa 1st District ng Kyusi.
Magbabalik-pulitika naman si Aiko Melendez na target din ang Kongreso sa 5th District naman ng Quezon City. ‘Nga pala, may natatanggap umanong threat ang aktres hinggil sa kanyang political career.
Sa October 1 hanggang October 8 ang filing ng candidacy for elections. Malalaman pa natin kung sinu-sino pang mga artista ang tatakbo sa darating na eleksiyon.
Comments