ni Ronalyn Seminiano Reonico | April 24, 2021
Inaprubahan na ng United States ang muling pagbabakuna gamit ang Johnson & Johnson Janssen COVID-19 vaccine noong Biyernes.
Matatandaang kamakailan ay ipinatigil ang pagbabakuna gamit ang Janssen dahil sa naiulat na pagkakaroon ng pamumuo ng dugo o blood clotting sa ilang naturukan nito.
Nagkaroon ng botohan ang mga miyembro ng Advisory Committee for Immunization Practices ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) kung saan 10 ang pabor na ituloy ang pagbabakuna gamit ang Janssen at 4 ang hindi pabor.
Pahayag naman ng mga eksperto, "The Janssen COVID-19 vaccine is recommended for persons 18 years of age and older in the US population under the FDA, emergency use authorization."
Comments