top of page
Search
BULGAR

JOHN, TUMANGGING MAGDIREK NG BATANG QUIAPO NI COCO

ni Julie Bonifacio @Winner | September 28, 2023


Inalok pala ni Coco Martin si John Prats na maging isa sa mga direktor ng top-rating Kapamilya action-series na FPJ’s Batang Quiapo, pero hindi ito tinanggap ni John dahil sa rasonableng mga dahilan.


“Actually, before Ang Probinsyano pa lang, we are planning, alam ko na ‘yan. But unfortunately, may mga turn of events din na kumbaga, we have to do separate things also,” pahayag ni John nu’ng makausap namin sa mediacon ng special birthday concert ng Soul Siren na si Nina, ang Only Nina na ginanap sa District One sa BGC, Taguig City.


Isang factor daw sa pagtanggi ni John kay Coco na idirek ang Batang Quiapo ay ang kanyang pamilya.


May dalawang anak na si John sa misis niyang si Isabel Oli kung saan ang panganay ay seven years old.


“We had to spend time with my family, with my kids. Kaso, kapag sobrang dami na rin ‘yung ginagawa, sobrang blessed ‘yung feeling. But, ang iniisip ko rin, ngayon lang dadaan ‘yung ganitong stage ng mg bata. Baka mamaya, ma-miss ko ‘yun,” esplika ni John.


Maybe next time raw, kapag inalok ulit siya ni Coco.


“Oo, why not?” ani John. “I’m always namam welcome doon sa idea of it. But sabi ko nga, hindi lang kami nag-match sa schedule this time because, after Probinsyano rin kasi, I had like ‘yung K-Pop concert. Nagkasunud-sunod na ‘yung projects ko. Hindi na ako makapagbigay ng schedule.”


Nagdirek si John sa huling dalawang taon ng FPJ’s Ang Probinsyano.


“Coco gave me the opportunity to direct because after seven years, alam ko na rin kasi ‘yung flow ng show, ‘yung characters ng bawat isa.


“So, kami ni Coco, nagtulungan that time sa unit niya. Tapos, si Direk Malu (Sevilla), separate naman. Kasi, ako rin ‘yung umaakting sa unit na ‘yun, eh. Kami ‘yung magkasama,” kuwento ni John.


Tinanong namin si John, or si Direk JP (tawag namin sa kanya), kung mahirap bang idirek si Coco.


Tugon niya, “Hindi… hindi. Coco kasi is very creative. Siya rin naman ang creative head ng Ang Probinsyano. And, sobra kaming dikit lagi.


“So, every time na may naiisip siya, kaya we stayed in the same villa, so, ganoon namin idini-discuss ‘yung istorya.


“Wala naman kasi kaming script, eh. So, day-by-day, we’re creating. So, iisipin niya ‘yung takbo ng istorya and I will execute it sa taping.”


But most of the time raw ay si Coco ang nakasalang sa eksena at si John ang nagdidirek sa aktor.


“Kaya minsan, pinapabawasan ko na ang dialogue, kaya minsan, makikita n’yo ako, nakatayo lang doon,” tsika ni John.


“Kasi hindi ko na kayang… nag-iisip pa ako ng shot, iniisip ko ‘yung blocking. Tapos, may dialogue pa ako. Ang hirap,” buntong-hininga ni John.


Sabi pa niya, “But it was a great experience and training also for me.”


Dahil d’yan, kering-keri na talaga ni John ang magdirek ng teleserye.


“Yes,” walang pagdadalawang-isip na sambit ni John. “Puwedeng-puwede na. Pero wala pang opportunity this time. Mas live events and concerts ‘yung meron ako now.”


Pero bago ang teleserye, ididirek muna ni John ang Only Nina sa November 8 sa Samsung Hall ng SM Aura, Taguig City.


Personal choice raw ng nag-iisang female OPM artist na nagkaroon ng Diamond Record Awards na si Nina na si John ang magdirek ng Only Nina.


Although hands-on si Nina sa buong production, willing to collaborate naman ang mahusay na singer sa kanyang direktor.


Marami raw surprises sa special birthday concert ni Nina kaya magandang panoorin ang Only Nina na ipinrodyus ng Vera Group Inc. and District One with Mr. Bobby Velasco as musical director.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page