ni Beth Gelena @Bulgary Files | April 16, 2023
In demand si John Prats sa pagdidirek ng mga concerts.
This time, mga K-Pop stars naman na sina Baekhyun at Jeon Somi ang kanyang ididirek at talagang isang milestone ito para sa actor-director.
Ang K-Pop idol na si Baekhyun ay isa sa mga members ng EXO, samantalang ang K-Pop idol naman na si Jeon Somi ay isang solo artist.
Ang dalawang South Korean idols ay magpe-perform sa Araneta Coliseum at ang nasabing concert ay may titulong Overpass: K-pop Music Concert na gaganapin sa June 11.
Ang Cornerstone Entertainment at OctoArts Entertainment ang mga organizers ng concert.
'Ika nga ni John, "So excited to direct this party & concert para sa inyo! Let's go! Buy your TIX na! See you there! TGBTG (To God Be The Glory)!"
Comments