ni Ambet Nabus @Let's See | June 5, 2023
Nauna na riyan ang isang portion sa Unang Hirit kung saan ipinagluluto nina Susan Enriquez at Mateo Guidicelli ang mga co-hosts nila.
Sa isang bahagi ng paglalagay ng mga ingredients, tahasang sinabi ni Mateo ang “p*pe” referring to pepper.
Tinawanan ito ni Susan, lalo’t napaka-cute ng pagkakabigkas ni Matteo ng naturang term, na ayon sa kanya ay ganu’n daw talaga i-pronounce sa Cebu.
Then, umiikot na pala sa TikTok ang naging pamamaalam nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon o TVJ last May 31 sa Eat… Bulaga!.
Sa naturang picture na galing sa isang video ay makikitang naka-dirty finger si Joey habang nagpapaalam at nagsasabing “Salamat.”
At ang huli nga ay last Saturday lang sa It’s Showtime, kung saan naman nagpapasalamat din si Meme Vice Ganda dahil sa success ng kanyang concert the previous night.
Malinaw at paulit-ulit na binanggit nina Kuys Vhong Navarro, Meme Vice at Jhong Hilario ang salitang “tinggel” na diumano’y slang accent ng “tanggol.”
Sa naturang concert kasi ay ibinida ni Meme Vice ang character ni Coco Martin sa Batang Quiapo bilang si Tanggol.
Kaya naman ngayon ay nananawagan ang ilang netizens sa mga taga-MTRCB na aksiyunan ang mga naturang eksena.
Hindi pa nga raw kasama riyan ‘yung paminsan-minsang “double meaning” bantering ng mga hosts sa Isip Bata portion ng It’s Showtime kung saan kasama ang mga batang sina
Kulot, Argus o Imogen at Jace.
Any reaction from MTRCB?
Commentaires