top of page
Search
BULGAR

JOEL CRUZ, IDEDEMANDA ANG 3 FASHION-LIFESTYLE PERSONALITIES

ni Julie Bonifacio @Winner | January 17, 2024




Nakatakdang maghain ng estafa case ang sikat na entrepreneur na si Joel Cruz kontra sa tatlong kilalang fashion/lifestyle personalities sa National Bureau of Investigation (NBI) ngayong Miyerkules (Jan. 17, 2024).


Ang mga sasampahan ng estafe case ni Joel ay sina Becky Garcia (society columnist of Manila Times, ballroom dancing proponent), Albert Andrada (fashion designer of the famous Pia Wurtzbach Miss U gown), at Angel de Jesus na isa raw Hollywood producer.


Sa pagkakaalam namin ay nangyari ang insidente kay Joel at sa tatlong high-profile fashion/lifestyle personalities during the Paris Fashion Week.


Medyo matagal ding nanahimik si Joel ukol sa ginawa sa kanya ng tatlong fashion/lifestyle personalities, and it seems matindi ang issue dahil umabot na nga ito sa korte.


Joel reached to a decision na kasuhan na sila para ‘di na rin mangyari sa iba ang nangyari sa tinaguriang "Lord of Scents".


Ilalabas namin ang iba pang detalye sa estafa case na isinampa ni Joel sa NBI bukas.


Just two days before his estafa case filing sa NBI, nagkaroon kami ng chance na makausap ang Lord of Scents sa kanyang opisina.


Personal na tinanggap ni Joel Cruz ang award niya mula sa Most Influential Filipino and Asian Awards sa kanyang opisina kahapon.


Pinarangalan si Joel bilang dedicated and hardworking business leader sa bansa.


Pinasalamatan niya ang lahat ng bumubuo sa Most Influential Filipino and Asian Awards sa pangunguna ng EBQ Music Production ng composer na si Evie Quintua at kanyang mister na si Nick Quintua.


Say ni Joel, “Ito ang nagbibigay sa amin ng lalo pang lakas ng loob para lumaban (sa larangan) ng business dito sa Pilipinas at sa ibang bansa. Alam n'yo naman ang Aficionado, hindi lang kilala rito sa bansa but all over the world. So, ‘yun ang aking pinipilit na sana, makilala ang Filipino made products not just in the Philippines but all over the world as much as possible.”


Thankful din siya sa mga OFWs na nagdadala raw ng kanilang produkto sa iba’t ibang bansa.


Ibinahagi rin niya ang kanyang award sa kanyang buong staff sa Aficionado.


“Dahil kapag nakakatanggap kami ng ganitong award, mas lalo kaming nagiging masipag, lalo kaming nagiging matatag, lalo kaming lumalaban hanggang makilala ang Aficionado sa buong mundo,” diin ni Joel.


Nakakatuwang malaman na pati ang pagti-TikTok ay pinasok na rin ni Joel para ibenta ang kanyang mga produkto.


“Ang laking tulong niya. Nu’ng una, medyo ano ako, naïve ako, eh. Hindi ko kasi alam ‘yan na ganoon pala. Nu’ng sinubukan ko, in a matter of two hours, na-shocked ako sa sales namin,” bulalas ni Joel.


Naka-tatlo lang sa TikTok si Joel for 2023 pero nagulat na siya sa outcome ng sales sa products niya. Kaya sa 2024, pramis ni Joel na mas marami pa siyang gagawin sa TikTok.

 

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page