ni Beth Gelena @Bulgary Files | September 7, 2023
Nag-react na ang aktres na si Jodi Sta. Maria sa kumalat na video sa social media ng pag-akyat sa gate ng bahay ng kanyang anak na si Thirdy sa dating asawa na si Panfilo Lacson, Jr. o mas kilala sa palayaw na Pampi.
Nag-viral kasi sa TikTok ang kuhang video ni Thirdy habang umaakyat sa gate ng bahay na ipinost ng stepmom nito na si Iwa Moto.
Ayon kay Jodi, wala naman daw problema sa ginawa ng kanyang anak.
“Kahit naman sino kapag napagsarahan ng pinto, ang tendency ay gagawa ka ng paraan.
Nasolusyunan na naman ‘yun para hindi na maulit. Binigyan na rin ng sariling susi si Thirdy.
Saka wala namang ibig sabihin ang pag-post ng pag-akyat ni Thirdy. Hindi ako nagagalit kasi it's for fun lang naman.”
Sabi nga rin ng netizen, “I don’t see anything wrong with what Thirdy did. But why the need to post it publicly? Okay lang ‘yung ipakita ‘to sa family reunion or gatherings for fun but not for public consumption.”
May point naman ang commenter.
“Kani-kanyang parenting style lang ‘yan. Kung sa kanila, funny to be shared to the public, eh, di ‘yun. ‘Wag na nating i-overthink.”
“Move on. The mother has already spoken.”
"Oversharing kasi talaga ang mga Pinoy. Keber sa privacy for themselves at lalo pa for others.
Sana, matutong mag-blur man lang ng background, esp. bahay at kotse ng iba for neighbor’s protection na rin. Sana, double check palagi kung may mga identifying factors ‘yung post na makaka-compromise ng safety ng bata, ng family, pati na rin ng iba around you. I wonder how Thirdy feels kaya? He was in a compromising position and was broadcast to the world.”
“Some things should be only shared within the family, respect the mom, ask the mom first kung puwede, knowing Jodi and since nai-post na, eh, she’s just being kind na lang.”
“Hindi marunong mag-set ng boundaries si step mommy. Of course, kay Jodi, okay lang, pero kung si Jodi kaya ang gumawa nu’n sa anak niya? Let’s see how she’ll feel.”
Comentários