top of page
Search
BULGAR

JM, NAKA-RELATE SA MGA 'DARK' NA KANTA NI TERA

ni Janiz Navida @Showbiz Special | November 2, 2022



Na-compose ni Tera ang Higher Dosage nu'ng 2019. Alam ni Tera na "kaiba" ang musika niya sa kinasanayan ng pop fans, pero aniya, ito ang dahilan kung bakit "necessary" ang kanyang musika.


“Marami nang love songs - finding it, losing it. Kaya ang inaalok ko ay real, deeper emotions, life events, at humanity. Kaiba ang debut single na ito sa kinasanayan ng tao, pero alam kong maski sino ay makaka-relate rito,” aniya.


Para sa music video ng nasabing single, grabe ang kanyang naging preparasyon kung saan nag-undergo siya sa choreography kina Douglas Nierras, Chrisy Sawada at Froi Dabalus, piano training sa Yupangco Music Academy, voice masterclass ni Monet Silvestre, at The Madz Studio sa pag-coach ni Alfred Samonte.


Sa launch, bukod sa Higher Dosage, sinayaw at inawit ni Tera ang dalawa pa niyang singles na Façade at Sa Dilim.


Nakipag-duet din siya sa guest niyang si JM de Guzman, isa ring total performer (actor, singer). Aminado si JM na agad siyang naka-relate sa mga komposisyon ni Tera, mga awit na may "dark" tones.


Lumaki si Tera sa panonood ng live concert CDs nina Michael Jackson at Beyoncé, na parehong humubog sa kanya bilang performer.


"Mula pagkabata, nagpe-perform na ako sa mga tao, at never akong napagod ibahagi ang aking talento.


"Umaasa akong 'di magtatagal, makaka-relate rin ang tao sa aking mga likhang awitin at magugustuhan nila ang aking performances.”


Ayon kay TEAM Manager Tyronne Escalante, “Si Tera ang sumusulat ng sarili niyang songs, isa siyang natural-born performer. Aabangan namin na siya'y makilala ng madla at hangaan sa kanyang kakaibang music... at dito, susuportahan namin siya all the way.”


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page