ni Beth Gelena @Bulgary | Mar. 22, 2025
Photo: Jillian Ward - GMA Sparkle Artist / FB
Walang pabonggahang gown na suot ang mga GMA artists sa GMA Thanksgiving Party dahil Denim and Diamond-themed ang event.
Casual lang ang suot ng mga artists, pero hindi maitatago na kahit denim lang ang tela ay may nangingibabaw pa rin sa kanilang classy looks sa husay nilang magdala.
Like ang aktres na si Jennylyn Mercado na litaw ang maganda niyang legs kasama ang husband na si Dennis Trillo.
Even Barbie Forteza na solong nagpunta sa thanksgiving party, pero litaw ang kagandahan sa simpleng kasuotang denim dress.
Komento ng mga netizens, "Wow, as in wow. Sosyalin kahit naka-denim. Ibig bang sabihin nito, walang GMA Gala this year?"
"To die for ang legs ni Jen."
Marami naman ang naghahanap sa actor na si Mark Herras na dating ka-love team at ex-boyfriend ni Jen.
May pumansin din kay Ruru Madrid, "Denim nga, eh, eto namang si Ruru, sablay palagi."
Kinorek ng isang fan ang commenter, "Girl, blue lang talaga ang alam mong denim. Meron din pong ibang kulay."
"Bianca Umali, pa-sexy star na ang punta. Rhian Ramos, pina-complicate ang denim memo."
"Denim naman ‘yung suot ni Ruru, ah, white denim to be exact."
"Denim is a type of fabric, it can be white, blue, black, maroon etc. any color you want. Ruru’s outfit -the jacket and pants are white denim. So is Rhian’s tie dye denim dress. Bianca is wearing a short shorts paired with a glittery top."
"Sure it was white denim, but still, hindi swak sa theme. Ang idea kasi ng denim-themed party, in general blue jeans dapat (or may shade of blue). Talagang sablay siya sa pormahan lagi, aminin n’yo ‘yan."
"Ano’ng nangyari kay Jillian? Ang ganda ng face pero baduy ng getup."
"Sayang, wala sina Marian at Heart."
"Ang pangit talagang tingnan ‘pag pare-parehong naka-denim esp. ‘pag sa group pic. Lakas maka-boomer reunion."
"Sinimplehan lang ni Jen pero best dressed pa rin. Sila lang ni Gabbi ang classy."
"Bianca Umali, Kyline and Jillian are my worst-dressed."
"Talagang walang sinusunod ang BiaRu."
"Si Alden, parang titong fresh from Saudi."
"Max Collins! Kahit balot na balot, ang sexy pa rin ng dating!"
"Iba talaga ang awra ni Ultimate Star, Ms. Jen."
"Medyo okay ‘yung theme, ah, at least, pause muna sa mga gowns na minsan OA, akala mo, dami ng debutante."
"No doubt Kylie Padilla has a very beautiful face, pero ang baduy/bigat niya magdala ng damit."
"Napaka-expensive tingnan ng Trillo(Ho) couple.”
"Ba't wala ‘yung tatlong reyna - Bea, Marian at Heart?"
HINDI nagdalawang-isip si Ivana Alawi na suportahan ang sektor ng agrikultura partikular na ang Agricultural Sector Alliance of the Philippines, Inc. (AGAP) Partylist kahit wala siyang bayad bilang endorser.
“Huwag ako ang inyong pasalamatan dahil dapat, kami ang magpasalamat sa inyo dahil ipinaglalaban ninyo na bumaba ang presyo ng bilihin at upang mayroon pang-araw-araw na pagkain sa hapag-kainan ang bawat mamamayang Pilipino,” ayon sa aktres patungkol sa grupo.
Inihayag ni Ivana na noong nakaraang halalan, wala siyang sinuportahang pulitiko o partylist dahil kanya muna itong pinag-aralang mabuti.
“Napakaarte ko at napaka-choosy pagdating sa pulitiko. Hindi naman ‘yan para sa akin o ikakaganda ko o para sa pamilya ko. Para ito sa Pilipinas, para sa mga kababayan natin, kung ano ‘yung makakapagpaganda sa bansa natin,” wika niya.
Sa pag-iikot ni Ivana habang naghahanap ng mga content sa kanyang vlog, nakita niya at naramdaman ang layunin ng sektor ng agrikultura partikular ang mga magsasaka, mangingisda, magbababoy at magmamanok.
Personal na tinuran ni Ivana na ang kanyang napupusuan pagdating sa usapin ay ang agrikultura at ipinaglalaban ang kapakanan ng mga magsasaka ng AGAP Partylist sa pangunguna ni Rep. Nicanor “Nikki” Briones.
Ayon pa kay Ivana, hindi siya tumitingin sa pera para lamang suportahan ang isang partylist.
Comments