top of page
Search
  • BULGAR

Jessy, ibinunyag na muntik nang layasan si Luis

ni Angela Fernando @Entertainment | September 9, 2024



Showbiz News

Ibinulgar ng aktres na si Jessy Mendiola sa kanyang YouTube vlog na muntik niya nang iwan ang asawang si Luis Manzano dahil nagkaproblema sila nito.


Pagbabahagi ni Jessy sa Truth or Dare" challenge kasama si Luis nang matanong kung puwede niya bang ikuwento ang pagkakataon kung kailan niya muntikan nang iwanan ang mister, naging honest ang aktres sa naging sagot nito.


Sey niya, nagpaalam siya sa kanyang 'Momskie' Vilma Santos na hindi niya na kaya si Luis dahil hindi na ito nakikinig. "Sinabi ko sa kanya, 'Either piliin mo 'yung pamilya mo o piliin mo 'yung mga kaibigan mo na hindi okay para sa 'yo.' So, ang ending, nagpaalam na talaga ako kay Momskie nu'n.


Sabi ko, 'Hindi ko na po talaga kaya. Mahal ko po kayo pero hindi na po ako pinapakinggan ng asawa ko.' Tapos, after a few days, nagising siya sa katotohanan, gradually, nakakalas siya sa mga taong 'yun," dagdag pa ng aktres.


Inalala pa ni Jessy kung gaano kabigat para sa kanya ang mga panahong iyon, ramdam daw kasi talaga niyang gusto na lang niyang iwan si Luis ngunit kasal sila.


Maraming netizens naman ang naka-relate sa ibinahagi ng aktres sa kanyang vlog, normal daw kasing makaramdam ng pagod lalo pa kung may katigasan talaga ang ulo ng partner. Natuwa rin ang madlang pipol na nalagpasan ng dalawa ang bahaging iyon ng kanilang relasyon.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page