top of page
Search

JESSICA, BIG NO PA RIN SA FACE-TO-FACE KAY VICE

BULGAR

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 2, 2023




So, may feedback daw mula sa kampo ni Jessica Soho na ayaw pa niyang makita o makaharap si Vice Ganda, kaya’t malabong makapag-guest at maka-one-on-one interview niya ang comedian-TV host sa kanyang programang Kapuso Mo, Jessica Soho.


Mukhang hindi pa nga naghihilom ang sugat na nilikha ng ginawang pang-iinsulto sa kanya noon ni Vice kahit sampung taon na ang lumipas.


May payo naman ang mga netizens sa comedian-TV host, kung gusto niya talagang ayusin o tuldukan ang gap sa pagitan nila ni Jessica.


Kailangang mag-effort ni Vice at karirin niya ang paghingi ng tawad sa kilala at respetadong broadcast journalist ng GMA-7.


Kailangang iparamdam niya na sincere siya sa kanyang pagso-sorry sa ginawa niyang panlalait noon kay Jessica. Puwede niya itong padalhan ng mga flowers at notes.


At kung hindi pa rin siya napapatawad nito, ang dapat na gawin ni Vice ay maghintay lang ng tamang panahon at for sure, lalambot din naman ang puso ni Jessica.


Siguro naman ngayon ay na-realize na ng comedian-TV host ang kanyang nagawang pagkakamali at sana nga ay maging eye-opener na ito sa kanya sa susunod.


Hindi dapat na gawing biro ang tungkol sa mga maseselang usapin kapag nagso-show dahil ‘di naman comedy bar ang Araneta Coliseum upang paglaruan ng kung sinumang personalidad. At ‘di ‘yun nakakatawa, ‘noh!


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page