top of page
Search
BULGAR

JEROME, SAPUL SA BLIND ITEM NI AIKO SA MAANGAS NA AKTOR

ni Ambet Nabus @Let's See | September 11, 2023



Kahit burado na ang FB post ng gandang friend nating si Aiko Melendez tungkol sa nagbibidang "JP" sa isang series, marami nga (kasama na kami) ang naniniwalang si Jerome Ponce ang kanyang tinutukoy.


Sa hilera kasi ng mga new shows sa TV na may nagbibidang lalaki, bukod-tanging si Jerome ang may ganu'ng initials.


At dahil may reputasyon nga sa showbiz ang aktor na medyo maangas, may kayabangan at kakaiba ang tingin sa sarili (feeling magaling, guwapo at sikat), everybody is concluding na siya na nga 'yun.


Ayaw na naming alamin pa ang pinanggalingan ng emote ni Aiko dahil baka ang anak niyang si Andre pa ang mapagbuntunan lalo't kasama ito ni Jerome sa naturang TV series.


But one thing is for sure, lahat ng nakakaalam at nakakakilala kay Jerome ay nag-a-agree kay Aiko sa naging patutsada niya, lalo na sa puntong "wala pa naman itong napapatunayan."


Maybe, JP needs time to re-evaluate himself and ask kung bakit ganu'n nga ang impression sa kanya ng marami sa showbiz.


0 comments

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page