top of page
Search

JERALD, BINANGGA NG TRAK, KOTSE WASAK

BULGAR

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | August 28, 2023



Sinaluduhan at hinangaan ng mga netizens si Jerald Napoles na piniling patawarin na lang ang driver ng truck na bumangga sa kanyang sasakyan nitong nakaraang Biyernes.


Ibinahagi ni Jerald sa kanyang Facebook page ang video ng pag-uusap nila ng driver ng truck at ipinakita rin ang damage na nagawa ng aksidente sa kanyang sasakyan.


Pero mas pinili na lang ng aktor na hindi na singilin pa ang driver sa nawasak niyang sasakyan.


“Ako na nag-adjust. A problem won’t be solved by another problem,” ang simula ng kanyang caption.


Ikinuwento rin ni Jerald ang buong pangyayari sa kanyang post.


“Katatapos ko lang manood ng Gilas Pilipinas vs. Dominican Republic sa FIBA World Cup opening. Masaya ang experience kahit hindi tayo nanalo sa game.


“Pauwi na ako sa amin nang biglang naaksidente pa at nasuyod/bangga ng truck. Umangat ‘yung bumper ko, basically, nauuna na ako pero ipinasok pa niya sa lane ang truck kaya paangat ang wasak ng bumper ko. Hindi na ako nakaandar kasi tuluy-tuloy ang truck. Halos patawid na siya na parang walang tinamaan,” kuwento ni Jerald.


“May kasama siya sa passenger seat niya sa side ko na parang dedma lang. Hinarang ko ang truck para kausapin sa nangyari kasi parang uunahan na niya ako.


“Pinababa ko si kuya at eto, nasa video ang usapan namin,” patuloy niya.


Sa video ay maririnig nga na sinabi ni Jerald sa driver na hindi na niya sisingilin ang driver dahil baka ibawas pa raw ito sa sahod nito at abut-abot naman ang pasasalamat ng nakabangga sa kanya.


“Sa madaling salita, alam ko naman na ang tanging solusyon sa bangga ay ipaayos.. kung irereklamo ko naman at ipipilit ko ang kakayanan at pagbayarin si kuya driver, siguradong ikakaltas pa sa sahod niya ‘to.. imbes na solusyon, dagdag problema pa ang mangyayari…


magiging komplikado pa sa pag-aayos at paghahabol para mapanagutan niya..


“Bilang ako ang mas may kakayanang pinansiyal, hindi ko na kinumplika.. pinagsabihan ko na lang siya na sa susunod ay mag-iingat dahil pareho kaming mapalad na ganito lang ang nangyari. Gaya ng sinabi ko sa video.. kadalasan, hindi gaya ko na palalampasin lang ang ganitong aksidente ang makakasalamuha niya,” pahayag ni Jerald.


Pinayuhan na lang ng aktor ang driver na sa susunod ay mag-ingat ito sa pagmamaneho.


“Kuya Ranzy, mag-ingat at sana, ito na ang huli mong disgrasya. Pagpalain ka nawa at ang iyong pamilya. Magsilbing aral ito sa ‘yo at sa akin na rin. Laging panaigin ang tamang katwiran pero nang hindi makakaagrabyado ng kapwa.


“Malaki ang bangga pero lamang ang kasiyahan sa buong araw. Du’n na lang ako magpo-focus. Sana, masarap pa rin ang gising at ulam ng pamilya mo bukas, Kuya Ranzy,” ang pangarap ni Jerald sa tsuper.


Sa comment section ay napakaraming humanga sa ginawa ni Jerald at sana all daw ay kasing-bait ng aktor.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page