ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | February 10, 2023
Tipong habang kumikita bilang Kapuso stars ang mag-asawang Dennis Trillo at Jennylyn Mercado ay panay ang ipon nila at pag-i-invest ng ilang properties tulad ng house and lot, atbp., hindi lang para sa sarili nila kundi para sa kanilang mga anak.
Unang naipundar nila ay isang rest house sa Tanay, Rizal. Kasunod ay isang napakalaking bahay sa Summerlin residential community in Las Vegas, southern part of Nevada.
Lumipad doon si Jen last January 22 kasama ang anak nila ni Dennis na si Baby Dylan.
Sumunod du'n si Dennis nu'ng katapusan ng January dahil may interesado raw na umupa sa kanilang naipundar na said house sa nasabing lugar.
But heard na ipinapa-off da record muna ng mag-asawa ang halaga ng kanilang mansion sa Las Vegas.
Kung bakit? Well, sila lang ang nakakaalam! Boom, ganern!
Ngayong tapos na ang taping ni Dennis ng Maria Clara at Ibarra, makakapagbakasyon na sila nang matagal-tagal ni Jen sa Las Vegas habang waiting ang aktres sa pagsisimula ng naudlot nilang taping ni Xian Lim ng seryeng Love, Die, Repeat ng Kapuso Network.
Well, sana, lahat ng mga artistang kumikita ngayon nang malaki ay matuto ring mag-invest at mag-ipon to the max, para na rin sa kani-kanilang future.
'Yun lang and I thank you.
Comments