ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | January 27, 2024
Sinimulan ng mag-asawang Dennis Trillo at Jennylyn Mercado ang taon with an additional family member.
May bago silang fur baby na isang Z Giant poodle Mini na si Provence.
Sa video na ipinost ni Dennis sa kanyang Instagram page ay mapapanood ang pagpunta nila sa pet store para bumili ng aalagaang doggie. Kasama pa nilang bumili ang anak nila na si Dylan.
“Sobrang happy namin,” sey ni Jen sa video habang yakap-yakap ang kanilang bagong fur baby.
Aniya ay matagal na raw silang naghahanap ng pet para sa panganay niyang anak na si Jazz at sa bunso na ring si Dylan.
“Excited din kami kasi matagal na kaming naghahanap ng pet for Jazz and for Dylan,” dagdag pa niya.
Sabi naman ni Dennis, “Nag-research muna kami talaga, eh, bago namin piliin kung ano ‘yung bagay na aso sa amin.”
Inayunan naman ito ni Jen dahil si Jazz daw ay may mga allergies din pagdating sa balahibo ng pets, kaya naghanap sila talaga ng dogs na hypoallergenic.
"Oo, kasi si Kuya Jazz, grabe 'yung allergies niya. Kasi marami kaming cats, so hindi niya masyadong nae-enjoy, though gustung-gusto niya talagang yakapin, gusto niyang laruin. Pero 'yun nga, marami siyang mga pantal, inuubo, sinisipon, so hindi talaga puwede.
“Nag-research kami ng mga dogs na hypoallergenic na puwedeng-puwede kay Jazz," paliwanag ng Kapuso Ultimate Star.
Makikita ngang tuwang-tuwa ang mag-asawa sa bago nilang super-cute doggie na mukha nga raw emoji.
“Sobrang bait niya, sobrang friendly,” sabi pa ni Dennis sa bago nilang pet.
“Very calm,” dagdag naman ni Jen.
תגובות