ni Eli San Miguel @K-Buzz | July 10, 2024
Lubos na pinagsisisihan ng K-Pop superstar na si Jennie ng BLACKPINK ang kanyang paghithit ng vape sa Italy. Naglabas ng paumanhin nitong Martes ang kanyang management label na Odd Atelier Entertainment patungkol sa kanyang indoor na paggamit ng vape.
“We sincerely apologize to everyone who felt uncomfortable with Jennie’s actions in the content released on the 2nd,” saad sa pahayag. Dagdag nito, “Jennie acknowledges and deeply regrets her mistake of vaping indoors and causing inconvenience to the staff.
Jennie has personally apologized to all the staff on-site who may have been affected.” “We apologize to her fans who have been disappointed through this incident. We hope to prevent this from reoccurring in the future,” sabi pa sa paumanhin.
Noong Hulyo 2, ipinost ang isang video sa YouTube channel ng K-Pop superstar na nagpapakitang siya'y nasa Capri, Italy.
Sa video, ipinunto ng mga nagagalit na netizen na nakita nilang gumagamit ng vape si Jennie habang kasama ang kanyang mga staff, kaya naman agad itong naging kontrobersyal. Sa ngayon, burado na ang nasabing video clip.
Kommentare