ni Lester Bautista (OJT) @Entertainment | Feb. 13, 2025
Forever you and me, after all… Iba talaga ang kilig ng first love ‘no? Bonus na lang kung siya pa ang makatuluyan mo. What a dream! But sounds impossible right? ‘Di kita bibitinin pa! Dito, kilig ako sa kuwentong pag-ibig from Reel to Real ng tambalang Jennlyn Mercado at Dennis Trillo.
Totoo nga ang “love is sweeter the second time around” sa tuwing napapanood at nakikita natin ang showbiz couple na JenDen na mahigit 10 years na magkasintahan, pero napaisip ka ba kung paano sila nagkatuluyan?
We got you, besties! Unang nagkatrabaho ang dalawa sa GMA primetime series na ‘Now and Forever’ noong 2006, 19 years old pa lamang si Jennylyn habang si Dennis ay 25 years old na.
Muling namang nagkasama sila sa isang teleserye na ‘Gumapang Ka Sa Lusak’ noong 2010, na dahil dito ay mas nakikila nila ang isa’t isa at naging official together noong April 2010.
Tumagal ng ilang buwan ang kanilang relasyon na nauwi sa paghihiwalay dahil daw sa matinding pag-aaway. So sad! Pero, wala namang makakaiwas sa pangungulit ng media, ‘di ba?
Iba talaga ang mata ng bayan! Noong 2016, inamin ni Dennis sa simpleng pagtango bilang kumpirmasyon na “exclusively dating status” sila ni Jennylyn. Hirit naman ng Jennylyn na balak pa raw niyang ikasal sa edad na 35.
Parang, what you see is what you get ang eksena ng dalawa at tunay nga na ‘first love never dies’, like it! Sa wakas noong October 8, 2021, nag-propose si Dennis kay Jen, ngunit isinapubliko lamang noong October 29, and the day has finally come, this is it pansit!
Nangyari ang civil wedding ng dalawa noong November 15, 2021 sa Quezon City. Simple pero elegant ang atake ng kasal.
Idinaan naman ng couple sa kantang “After All” ang paglalarawan nila sa kanilang love story, na mas pinagtibay ang kanilang pagmamahalan nang ipanganak ni Jen ang supling nila ni Dennis na si Dylan Jayde.
Sa ngayon, very happy ang JenDen lalo’t may upcoming movie sila na ‘Everything about my Wife’ na mapapanood sa February 26. Kayo mga besh, anong kuwentong first love mo?
Comments