top of page
Search

Todo-kayod para may ipon na… JEAN, GUSTO NANG MAGRETIRO SA SHOWBIZ

BULGAR

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Mar. 4, 2025



Photo: Jean Garcia - IG


Madalas kantiyawan ngayon si Jean Garcia ng kanyang mga kasamahang artista. Matindi raw ang kanyang pangangailangan kaya naglalagare siya sa mga shows.


Babaeng walang pahinga ang tawag sa kanya dahil minsan, may soap (TV drama) na siya sa hapon, meron pa siya sa primetime slot. 


Halos hindi na siya nababakante sa trabaho at todo-kayod, gayung maalwan naman ang kanyang buhay ngayon.


Pero, may pinaghahandaan pala si Jean Garcia ngayon para sa kanyang future. Plano ni Jean na maagang magretiro sa showbiz, kaya todo-kayod at ipon na siya. 


Five years from now ay balak na raw niyang magretiro sa showbiz at mag-enjoy sa buhay. Gusto niyang mag-travel abroad at mamasyal sa magagandang lugar na nasa kanyang bucket list. Ayaw naman niya na nasa edad 70-80 na siya ay umaarte pa rin at nagte-taping pa, kaya pinaghahandaan na ni Jean ang kanyang early retirement sa showbiz. 


 

IDOLONG-IDOLO ni Janine Gutierrez ang kanyang Mamita, ang Asia’s Queen of Songs na si Pilita Corrales.


Malaki ang respeto at paghanga ni Janine sa kanyang grandma. Kaya gumawa siya ng docu upang magsilbing magandang alaala para sa mga fans na nagmamahal sa isang Pilita Corrales. 


At tama lang na habang malakas pa si Pilita ay gawin na ni Janine ang plano niyang docu bilang tribute sa kanyang lola. At least, makakapag-share pa si Pilita ng mga info kung paano nagsimula ang kanyang singing career. Mas maganda ang docu kung may mga photos during her early days as a singer-performer. 


Hanggang ngayon ay marami pa ang nakakaalala kay Pilita Corrales dahil sa kakaiba niyang style sa pagkanta. Hindi lang sa ‘Pinas siya sumikat, kundi maging abroad. Big hit ang mga shows niya kasama ang Reycard Duet at si Elizabeth Ramsey, lalo na sa Las Vegas. 


Mahal na mahal sila ng ating mga kababayan na naninirahan na sa Amerika. 


Gayunpaman, nasa ‘Pinas ang mga anak ni Pilita Corrales na sina Jackie Lou Blanco at Ramon Christopher, kaya pinili niyang umuwi na upang makapiling ang kanyang mga anak at apo. 


Samantala, type na type naman ni Janine ang style ng mga damit noon ng kanyang Mamita Pilita. Ang ilan sa mga ito ay ipinamana na sa kanya.


 

SUMIKAT sa social media ang Mommy Grace ni Miguel Tanfelix at tumatak ang expression niyang “Okay na ‘to!” kapag tapos na niya ang kanyang iniluluto.


Mahilig magluto ang mom ni Miguel, pero hindi niya akalain na magki-click ang kanyang ginagawa. 


Well, maraming maybahay ang aliw na aliw sa kanya. Inabangan din ng mga viewers ang guesting ni Mommy Grace sa seryeng Mga Batang Riles (MBR)


Dahil sa tinatamong popularidad ni Mommy Grace, bina-bash na rin siya ngayon. Ginagamit daw niya ang anak na si Miguel upang sumikat at makilala rin sa showbiz. 


Gayunpaman, pinayuhan ni Miguel ang kanyang mommy na huwag pansinin ang mga bashers. Mas marami naman ang natutuwa sa ginagawa ni Mommy Grace at ang tawag ngayon sa kanya ng mga fans na nanonood ng MBR ay “Okay na ‘to!” 


Kaya, tuwang-tuwa si Miguel nang mag-guest ang kanyang mom sa MBR. Posibleng alukin din si Mommy Grace ng isang cooking show.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page